TV5 ibinigay lahat ng kagustuhan ni DEREK | Bandera

TV5 ibinigay lahat ng kagustuhan ni DEREK

- April 09, 2012 - 03:58 PM

Nararanasan na ngayon ni Derek Ramsay ang kaliwa’t kanang intriga tungkol sa mas pagpili niya diumano sa pera kesa sa pagtanaw ng utang na loob.

Tulad ni Sharon Cuneta nang lumipat sa TV5 ay nakakatikim na ngayon ng kung ano-anong pagtuligsa ang hunk actor.

Maraming kunsiderasyong dapat isaalang-alang tungkol sa kanyang pagpili sa alok ng TV5 kesa sa pagpirma uli ng kontrata sa ABS-CBN, hindi na kailangan pang idetalye ‘yun ng aktor at ng kanyang manager, para walang masaktan sa desisyon niyang paglipat sa Kapatid network.

Pero ganu’n naman ang inaasahan ng mas nakararami, talagang mabibinyagan ng kung ano-anong kontrobersiya ang ginawa ni Derek, natural na lang ang ganu’n kapag umaalis ang isang personalidad sa isang network para lumipat sa iba.

Kasingsimple lang ‘yun ng wala nang pakinabang sa kanya ang dati niyang istasyon, kaya alangan namang ang mga ito pa ang mag-angat sa kanya, nagbabantay-naghihintay talaga ang mga ito ng mga kaganapan para ipamukha sa kanya na maling-mali ang ginawa niyang desisyon.

Matalino ang manager ni Derek na si Joji Dingcong, alam nito kung saan mas magiging masaya ang kanyang alaga sa paraang gumaganansiya pa, ang paglipat ni Derek sa TV5 ay hindi ipinanganak sa magdamagan lang.

Naghintay sila ng counter offer, binalanse nila ang mga sitwasyon kung saan mananalo si Derek nang hindi naman matatalo ang istasyon, pero napanghal sila sa paghihintay.

Sa mga panahong ito ay hindi na kalabisan kung humingi man ng guaranteed contract si Derek Ramsay, meron na siyang napatunayan, hindi ‘yun pagiging mukhang pera kundi pakikipaglaban lang para sa kanyang karapatan.

Matagal nang mayaman ang pamilya ni Derek Ramsay, kung tutuusin ay puwede na nga siyang mangasiwa na lang ng kanilang mga negosyo, pero mas ginusto pa rin niyang magtrabaho na meron siyang respeto sa kanyang sarili dahil tinatapatan ng mga kapitalista ang kanyang talento.

At TV5 ang nagbigay nu’n sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending