Hindi raw uurungan si Amalia Fuentes
Anyway, lumabas sa mga pahayagan before the Holy Week ang umaatikabong “word war” sa pagitan nina tita Annabelle Rama and former movie queen tita Nena (Ms. Amalia Fuentes).
Nagsimula raw ang lahat sa Twitter kung saan talagang nagpahayag daw ng pagkadismaya si tita Nena laban kay tita Annabelle dahil sa pagdalaw nito sa burol ng ex-husband ni tita Nena na si tito Joey Stevens in a red outfit.
Nagalit daw si tita Nena dahil feeling niya ay nang-iinsulto si tita Annabelle sa pagsusuot ng pula sa lamay.
May kaugalian kasi tayong mga Pinoy na bawal ang pagsusuot ng pulang damit sa pagpunta sa anumang lamay.
But on the contrary, nagpahayag naman daw si tita Annabelle na hindi raw totoong nakapula siya nang dumalaw kay tito Joey sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park.
She was clad daw in an orange blouse and black pants.
‘Yan daw ang isa sa mga dahilan kaya nagpanting ang tenga ni tita Annabelle at sinagut-sagot niya ang maaanghang na tweets ng dati niyang kaibigan.
Nagbanta pa nga raw si tita Nena na tatapusin lamang ang Mahal na Araw at mailibing ang dating asawa bago siya makipaggiyera kay tita Annabelle.
Mabilis naman daw nag-react ang huli at nagsabing handa siya sa kahit anong laban.
Oh no! I smell real word war from the two “amazonas”. Kaloka! Sana ay makapag-isip-isip sila na huwag na lang ituloy ang kanilang pagbabangayan.
They both deserve love and respect from this industry. Huwag naman sana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.