DEREK RAMSAY inuulan ng mga panglalait | Bandera

DEREK RAMSAY inuulan ng mga panglalait

- April 08, 2012 - 04:54 PM

KALIWA’T kanan pa rin ang mga panglalait kay Derek Ramsay, isa na nga diyan ang sinasabing mukha raw siyang pera kaya siya lumipat sa TV5.

Hindi na raw kasi kayang tapatan ng ABS ang malaking talent fee na alok ng TV5 kay Derek kaya lumipat na ng tuluyan ang aktor.

Matatandaang ilang linggo rin ang nakalipas bago nakapagdesisyon si Derek na lumipat na ng istasyon dahil nga hinihintay daw nitong dagdagan ng Dos ang alok nilang talent fee, pero hindi na nga ito nangyari kaya bago umalis patungong Hawaii, USA ang aktor ay ipinaubaya na niya sa kanyang ama ang pagsulat sa Chief Executive Officer ng ABS-CBN na si Gabby Lopez III.

Ayon sa taong malapit kay Derek ay hindi ang malaking talent fee ang dahilan ng paglipat niya sa TV5 kundi ang malaking oportunidad na maging premiere host ng 2012 London Olympics na gaganapin mismo sa London sa darating na Hulyo.

“Money is secondary. They (TV5) offered Derek a once-in-a-lifetime opportunity. Great Britain is his second country,” pahayag ng aming source.

Ang TV network daw ni Manny Pangilinan ang nakabili ng TV rights ng 2012 London Olympics na gaganapin mismo sa bansang kinalakihan ni Derek, matagal na raw pangarap ng aktor na maging parte ng Olympics bilang manlalaro, pero dahil may injury pa siya ay hindi pa siya puwedeng sumabak sa kahit anong laro kaya ang pagiging host na lang ang naging habol niya na siyang bibigyang katuparan ng TV5.

Sa huling panayam namin kay Derek ay nabanggit niyang gusto niyang sumali sa international reality show na Amazing Race kaya raw siguro nasusulat na siya rin ang napili ng TV5 na mag-host nito na ipalalabas na raw very soon sa TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending