TALK ‘N TEXT ASINTA ANG IKA-6 PANALO | Bandera

TALK ‘N TEXT ASINTA ANG IKA-6 PANALO

Barry Pascua - November 29, 2014 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Biñan, Laguna)
5 p.m. Blackwater Elite vs Talk ‘N Text
Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Barangay Ginebra vs Globalport
5:15 p.m. Purefoods Star vs Rain or Shine

INAASAHANG maipoposte ng Talk ‘N Text ang ikaanim na panalo sa siyam na laro kontra nangungulelat na Blackwater Elite sa kanilang pagkikita sa 2014-15 PBA Philippine Cup mamayang alas-5 ng hapon sa Alonte Sports Complex sa Biñan, Laguna.

Ang Tropang Texters ay nakabawi sa nakakagimbal na 105-97 pagkatalo sa Globalport nang ibunton nila ang galit nila sa Barako Bull, 122-106, sa Biñan din noong Linggo.

Sa larong iyon ay matindi ang naging arangkada ng Tropang Texters na lumamang agad, 40-20, sa first quarter sa likod ng pagsingasing ni Jason Castro na gimawa ang 22 sa kanyang game-high 26 puntos sa first half.

Ang Talk ‘N Text ay nagposte ng 31 puntos na kalamangan, 54-23, sa kalagitnaan ng second quarter bago umabante, 73-48, sa halftime.

Nagbalik na rin ang dating buti ni Jimmy Alapag na gumawa ng 14 puntos. Nag-ambag ng 13 puntos si Larry Fonacier at nagdagdag naman ng 10 puntos ang reserbang si Aaron Aban.

Si coach Joseph Uichico ay patuloy na aasa kina Kelly Williams, Ranidel de Ocampo at mga rookies na sina Kevin Alas at Matthew Ganuelas-Rosser.

Ang Blackwater Elite, na wala pang panalo sa siyam na laro, ay tuluyan nang nalaglag at wala nang tsansang makarating sa quarterfinals. Subalit nais ng Elite na maging maganda ang kanilang pamamaalam sa torneo. Ang huli nilang laro ay kontra San Miguel Beer sa Disyembre 9.

Hawak ni coach Leo Isaac, ang Blackwater ay pinamumunuan nina Rogemar Menor, Brian Faundo, Paul Artadi, Eddie Laure at rookie Brian Heruela.

Balik Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ang mga laro bukas kung saan makakasagupa ng Barangay Ginebra ang Globalport sa ganap na alas-3 ng hapon samantalang magtutuos ang defending champion Purefoods Star at Rain or Shine sa ganap na alas-5:15 ng hapon.

Samantala, pinadapa ng Alaska Milk ang NLEX, 90-84, sa kanilang PBA game kahapon sa Araneta Coliseum.
Si Dondon Hontiveros ay gumawa ng 21 puntos para pamunuan ang Alaska.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending