Angeline Quinto,Erik Santos magdyowa na? | Bandera

Angeline Quinto,Erik Santos magdyowa na?

- April 05, 2012 - 11:17 AM

Kim, Gerald magkagalit pa rin, nag-isnaban sa US

Hindi kami magtataka kung ma-link sina Angeline Quinto at Erik Santos.

May nakita kasi kaming post ng photos ng Star Magic Tour meet and greet sa US where Erik and Angeline behaved like they were lovers.

Nakunan ng photo ang mga Star Magic talents na nakahilera sa lawn yata ng isang hotel na kanilang tinuluyan.

Naroon din ang mga bigating artista ng Dos na sina Piolo Pascual, Kim Chiu, Bea Alonzo, Gerald Anderson, Pokwang, Rayver Cruz, Matteo Guidicelli, Zanjoe Marudo, Enchong Dee, Xian Lim, Derek Ramsay, Yeng Constantino, at Angelica Panganiban.

Ang na-notice lang ng kumuha ng photos ay palaging magkatabi sina Erik at Angeline.

Pero ang mas nakaka-surprise, palaging magkahawak-kamay ang dalawa, as in holding hands talaga.

Hindi nga namin alam kung ano ang kanilang drama.

Anyway, pagkabalik dito ng Star Magic artists mula sa kanilang three week US Tour ay tiyak na maiintriga sina Angeline at Erik.

Still on the said photo shoot, napansin naming hindi man lang nagkatabi ang dating magdyowang sina Gerald at Kim.

Palagi silang magkahiwalay all throughout the pictorial.

Nasa extreme left si Gerald katabi ang kanyang best friend na si Rayver Cruz na naka-sandals lang.

Si Kim naman ay palaging nasa tabi ng nali-link sa kanya na si Xian Lim.

Talaga yatang nag-iiwasan ang dalawa.

Until now siguro ay may pain pa rin ang kanilang paghihiwalay.

They were never photographed together, kahit isang photo together ay wala silang kuha.

Actually, mahirap ang sitwasyong iyon para sa dalawa.

Imagine, nasa iisang lugar kayo pero palagi kayong nag-iiwasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Well, that’s life.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending