Cosplay Queen Alodia gagawa ng movie sa Japan
WALA pa ring pwedeng pumalit sa trono ng tinaguriang Cosplay Queen na si Alodia Gosiengfiao. Siya pa rin ang maituturing na pinakasikat na cosplayer sa Pilipinas at maging sa iba pang bahagi ng Asia.
At yan ang dahilan kung bakit magiging bahagi na rin siya ng isang napakalaking pelikula sa Japan na magsisimula nang mag-shooting next year.
Sa presscon ng bagong endorsement ni Alodia, ang sikat na sikat na ngayong Katinko Oitment kamakailan, kinumpirma niyang isa siya sa mga maswerteng napili para sa nasabing international project.
“I’m very glad na may mga opportunities po para sa akin na still related to what I’m doing, which is cosplay and Japanese culture,” ani Alodia.
Nabanggit ng dalaga na natanggap niya ang movie offer sa Japan noong um-attend siya ng convention sa Singapore. Hindi nagdetalye ang cosplayer tungkol sa pelikula pero aniya super proud siya dahil Filipino character daw ang gagampanan niya rito at ito’y isang very educational movie, “But I’m not sure if I’m going to speak Tagalog, Japanese or English so we’ll see about it,” dugtong ng dalaga.
Kung matatandaan noong 2012 nag-release ng album si Alodia sa Japan dahil isa nga siya sa pinakasikat na cosplayer sa Asia, in fairness marami talaga ang nakakakilala sa kanya sa iba’t ibang bahagi ng Asia.
Pabalik-balik din siya sa Japan dahil sa pinupuntahan niyang TV guesting at cosplay conventions. Nagpapasalamat naman si Alodia sa kanyang Mommy Mariglor na talagang all out ang support sa kanyang cosplay activities and hosting gig.
Samantala, tinanggap daw agad ni Alodia at ng kapatid niyang si Ashley ang offer ng Katinko Ointment para maging brand ambassadors dahil bata pa lang daw sila ay talagang ginagamit na nila ang nasabing produkto.
Kaya ang tawag ngayon sa kanila ay “healing fairies”. Sey ni Alodia sa paggamit ng Katinko, “Pressure with work and school will always be one of the reasons why we suffer with muscle pains most especially head aches and back pains.
It’s because of the stress we need to face from morning until we got home not to mention the traffic and other problems.”
Chika naman ni Ashley, “Aside from that because of the changing weather we need to battle with cough and colds once in a while. That’s why it’s very important to have instant remedy to help us ease the pain.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.