Horoscope, November 29, 2014 | Bandera

Horoscope, November 29, 2014

Madam Sophia |November 29,2014
facebook
share this

Horoscope, November 29, 2014

Madam Sophia - November 29, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ito ang pinaka-masuwerte araw kung magsusuot ka ng kulay na berde o kaya’y pula. Sa pinansiyal, “araw na may walong sinag” ang gawing simbolo sa iyong itatayong negosyo. Sa pag-ibig, pula, ang magpapalakas ng iyong sex appeal. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at gold ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Malapit na ang suweldo, ang bonus at 13th month pay. Ano ang gagawin mo sa pera? Umpisahan nang magpayaman! Mag-invest sa trust fund, paglipas ng 5 years mayaman ka na. Oo, sapagkat ina-attract ng salapi ang kapwa nya salapi. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at blue ang buenas

Taurus – (April 20-May 20)—Huwag maniwala sa mga pamanhiin. Kailangang maging praktikal upang yumaman. Sa pag-ibig, may lihim na pagnanasa sayo ang isang katabi na nakasuot ng green. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas din.

Gemini – (May 21-June 21)—Magnining ang araw na ito habang nakasuot ng silver na singsing. Alahas na silver ang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, ang silver na alahas kung laging susuutin ang magpapainit ng nanlalamig na relasyon. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Purana-Purana-Visnu.” Blue at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Water ang elemento ng Cancer. May babala ng karamdaman, upang masawata ang anomang sakit, kumain lagi ng pagkaing nakukuha sa tubig. Ang mga pagkaing galing sa tubig, at matubig ang magpapalusog at magpapahaba ng iyong buhay. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beejaa-Avayara-Om.” Green at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ganyan talaga sa unang bukas ng negosyo, lugi muna! Pagnagtagal kung pipiliin mong tindera at tauhan ay may birth date 5, 14, at 23, kikita ka rin ng malaking halaga. Sa pag-ibig, upang yumaman, pumili din ng asawa na may birth date na 5, 14 at 23. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Om” Bukod sa white at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Bago simulan ang anomang trabaho,  humigop ng mainit na kape, sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Ilibre ang kasuyo sa isang mamahaling coffee shop, upang kapwa mag-init ang inyong katawan.  Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Tumawa ng tumawa upang mabigong lahat ang iyong mga kakumpetensya. Sa  pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung kikilitiin muna ang kasuyo bago ang aktuwal na romansa. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig!” Red at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Unti-unti mo ng natatanggap ang mapait na nakaraan! Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili sa mamahaling restaurant. Sa pag-ibig, tanggapin ang inaalok na pagsuyo ng isang Cancer sa kanya ka liligawa. Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sahatsha-Sarva-Dustha-Om.” Red at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kahit mayaman, malungkot ang buhay, walang dapat gawin kundi ipamigay ang lahat ang iyong mga pag-aari at kayamaman. Sa pamamagitan ng dedikasyon sa mga pang-charitable na gawain mas matatagpuan ang inner happiness. Sa pag-ibig, wala sa ka-oppsite sex ang hinahanap na ligaya, kundi na kay Lord. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi tamang dsikarte ang pandaraya upang yumaman, sa halip, ituloy at dagdagdan pa ang mga pagsisikap. Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Jhana-Om.” White at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Mag-ipon ng maraming pera upang sumaya ang pamilya! Tama ang matagal mo nang iniisip, “kaya ding bilin ng salapi ang pag-ibig at wagas na ligaya!” Mapalad ang 4, 19, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Am-Kurvan-Adhenan-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—May isang kaibigang darating na may mabigat na problema. Magtago ka – siya ang BFF na hindi marunong magbayad ng utang. Wag ipahiram ang salapi na ibinibigay ng kasuyo para yan sa inyong pamilya at para yan sa panghanda sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om.” Orange at maroon ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending