Aiko nag-iiyak: Namatay ang papa ko nang dahil sa akin! | Bandera

Aiko nag-iiyak: Namatay ang papa ko nang dahil sa akin!

Reggee Bonoan - November 27, 2014 - 03:00 AM

aiko mekendrez
NAMUMUGTO ang mga mata ng mga katotong nanood sa The Gift Giver ang unang episode sa Christmas mini-series special ng ABS-CBN na Give Love On Christmas, ipalalabas na ito sa Lunes, Dis. 1 kapalit ng Be Careful With My Heart.

May kani-kaniyang pinaghuhugutan kasi ang mga bidang sina Aiko Melendez, Dimples Romana, Carlo Aquino, Louise Abuel at Mr. Eddie Garcia mula sa direksyon ni Jerome Pobocan.

Magkakapatid sina Aiko, Dimples at Carlo sa kuwento samantalang alaga naman ni Ka Eddie si Louise na kasama niyang namumuhay sa bahay niya sa probinsiya.

Matanda na at mahina na si Ka Eddie pero ni isa sa tatlong anak niya ay walang gustong samahan siya sa probinsiya dahil may sari-sarili na silang buhay.

Nakakaiyak ang eksenang maysakit si Ka Eddie at bukod tanging ang batang si Louise lang ang nag-aalaga sa kanya na umaasang sa araw ng Pasko ay makukumpleto silang mag-aama, pero hindi pala ito pwedeng mangyari.

Bukod sa ilang members ng entertainment press naiyak din sa ipinalabas na episode  sina Dimples at Aiko na may pinagdaanan din sa kanilang mga ama. Kuwento ni Aiko, “Sorry ha, I started everything (umiyak) kasi sa soap na ‘to, makaka-relate talaga lahat sa bawa’t character namin.

“Ako talaga, tinamaan dahil nga maagang kinuha sa akin ng Panginoon ang tatay ko, pero masaya ako dahil alam ko while I’m doing this soap,  alam kong this Christmas, ang papa Jimi (Melendez) ko po ay proud sa akin dahil tinanggap ko po ito.”

Naiiyak na kuwento naman ni Dimples, “Ako naman, pinipigil-pigilan ko rin (umiyak) kasi my papa naman passed away when I’m 16 and my sister passed away about 4 years before that.

And this project really for some reason, hindi ko nga alam kung ako lang ang ma-emosyon dahil buntis ako, pasensiya na po ha.
“Ano kasi ‘to, very dear to my heart and in fact, I wasn’t expecting to do a teleserye until I gave birth.

I was telling them nga (production) kasi buntis nga ako, so tinayming ko na patapos na ‘yung taon at wala na akong gagawin.
“But when this project (offered), it’s just reminded me of how much pain I still have of losing my papa.

Kasi everyday, tine-take for granted lang natin na nandidiyan lang magulang natin kasi busy tayo sa sarili nating pamilya.
“And when this project came along, parang siguro this is my papa’s way of telling me na ‘you know, it’s Christmas and I miss you.’”

Hindi naman maka-relate ang batang si Louise dahil parehong buhay pa ang magulang niya kaya wala siyang mai-share na sakit sa pagkawala ng miyembro ng pamilya. Ganu’n din si Carlo na panay lang ang ngiti dahil wala rin siyang maikukuwento.

Sa tanong kung naging mabuting mga anak ba ang mga anak ni Ka Eddie sa The Gift Giver, “Ito po ba ay workshop?” natawang sabi muna ni Dimples.

“Ako kasi 16 lang, so you can imagine I really started working. Kasi my mama wanted me to work, work and my papa, we had the path na, ‘mag school muna ako ha, tigil muna ako mag-artista’, sabi niya (papa), ‘okay-okay.’

“Two months bago ako mag-college, nawala si papa, actually aneurysm siya, that’s why maraming regrets sa akin kasi hindi ako nakapag-goodbye.

So, tuwing may ganitong kuwento, malapit talaga sa puso ko and siyempre sa atin bilang artista, mas gusto ko na maibigay ‘yung totoong nararamdaman ko.

“Ang laking pasalamat ko kasi sa bawa’t ginagawa kong eksena ngayon, bago ko iarte  I always have a silent corner kay papa, which I want to know if I do this, will I make him proud? So kahit wala na siya, buhay na buhay siya sa akin,” umiiyak pang kuwento ni Dimples.

Samantala, maraming nagulat na ang ikinamatay pala talaga ng ama ni Aiko na si Jimi ay nabilaukan lang at hindi atake sa puso, “Ako kasi, open book naman ‘yung naging relationship ko sa dad ko.

Hindi kami naging okay nu’ng una, pero ‘yung regret ko is noong naging okay na kami, three months after, kinuha na siya ni Lord.”  “‘Yung papa ko, hindi naman siya namatay dahil sa sakit, eh.

Namatay siya habang nanonood ng pelikula ko sa Cinema One, pinapanood niya ‘yung ‘MMK, The Movie’, na-choke ‘yung papa ko dahil naiyak siya sa eksena, so I missed him by five minutes sa hospital, so ‘yung pakiramdam ko, ganu’n pala ako kamahal ng tatay ko, akala ko kasi nu’ng iniwan niya kami, pinagpalit sa ibang pamilya, dinenay na may anak siya kasi di ba dati, ang uso kapag matinee idol ka dapat wala kang anak, that’s why nga nu’ng una akong i-launch, Aiko Paredes ako kasi nga sabi ng tatay ko, hindi kami puwedeng malaman na kami ‘yung unang pamilya.”

“So feeling ko, kasalanan ko pa kung bakit namatay ang tatay ko, bitbit ko ‘yun. Kaya nu’ng i-offer sa akin itong Gift Giver, (umiiyak pa rin) sabi ko, ‘Para sa ‘yo ‘to papa kasi…sandali…(nabilaukan na), baka maging ‘cause of death ko naman ‘to,” biro ni Aiko kaya tawanan ang lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Grabe ang pasalamat ni Aiko sa Dreamscape dahil first time siyang kunin ng unit ni Sir Deo Endrinal at looking forward siya sa susunod pa niyang TV project.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending