Maguindanao massacre 'wag ibaon sa limot | Bandera

Maguindanao massacre ‘wag ibaon sa limot

Arlyn Dela Cruz - November 25, 2014 - 03:00 AM

LIMAMPU’T walong buhay ang basta na lang tinapos na parang sila ang nagbigay nito. Sila ang nasa kapangyarihan noon, kaya marahil ang isip nila kaya nilang gawin kahit anuman ang kanilang gustuhin
Limang taon na nga ang nakalipas mula nang maganap ang malagim na masaker sa Maguindanao. Nakalimot na nga ba ang marami sa nangyari sa araw na iyon noong Nob. 23, 2009?
Ang taktika na patagalin ang kaso ng depensa ay madaling unawain. Gagawin nila ang lahat maipagtanggol at mailigtas lamang sa kaso ang mga mga pangunahing personalidad na pawang mula sa angkan ng mga Ampatuan.
Sa ganitong taktika ng depensa, higit na kailangan ang nagkakaisa at mas mahigpit na kumpas ng panig ng prosekusyon lalo na sa panig ng Department of Justice.
Ang pagdalo ni Justice Secretary Leila De Lima sa araw ng paggunita na isinagawa sa Maguindanao ay isang hakbang na maaring tingnan na pagpapatibay ng bigkis ng layunin na makamit ang hustisya sa pinakamainam at pinakamabilis na paraan ngunit naaayon sa batas.
Sa tabi ni De Lima sa araw ng paggunita sa masaker ay walang iba kundi si Gov. Toto Mangudadatu. Kung hindi nagmula sa pamilya nila ang marami sa mga nasawi, marahil ay mas madali ngang malimutan ang kasong ito at marahil mas manghihina ang iba pang mga pamilya na ipaglaban pa ang kaso.
Mabuti na lamang at may kakayanan si Mangudadatu na isulong ang kaso, subaybayan ito at magtalaga ng oras para sa pagtutok sa kaso. Hindi biro ang sakripisyo ng pagtutok sa kasong ito. Kung sa iba, mas mabuti nang magpatuloy na lamang sa buhay, si Gov. Toto sa tingin ko ay nabubuhay ngayon na ang pinakamaalab na layunin ay ang makamtan ang hustisya para sa kamatayan ng kanyang kabiyak at limampu at pitong iba pa.
Higit sa kakayanan na isulong ang kaso, subaybayan sa bawat yugto nito, hindi maikakaila ang tibay at tatag ng dibdib ni Mangudadatu.
May isang bagay na hindi nabibigyang diin sa kuwento ng Maguindanao Massacre. Hindi ito ang unang insidente ng masaker sa Maguindanao. Maaaring mas kaunti ang bilang at walang mga mamamahayag na kabilang sa pinaslang, ngunit ang mga biktima ay pawang naibaon na sa limot.

Limang taon na nga ang nakalipas at pinag-uusapan pa rin natin ito dahil sa katotohanang umabot na ito sa korte at ngayon ay dinidinig. The fact that this case reached the court is a testimony of how different this case is from all other massacre cases or killing incidents related to politics that were committed in the past. It took courage and a great commitment to do that and to take that course of justice instead of taking the road of a never-ending cycle of violence among warring clans.
Mangudadatu took that path, he made that choice of ending the cycle of violence by seeking justice in court.
Alang-alang sa pamilya na mga naulila, hindi tayo lilimot. Hindi natin kalilimutan ang 58 biktima. Nangyari ang araw na iyon at hindi natin sila ibabaon sa limot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending