Ate Vi sa pagiging politiko: Hindi ko po kayang maghimala, pero...! | Bandera

Ate Vi sa pagiging politiko: Hindi ko po kayang maghimala, pero…!

Reggee Bonoan - November 25, 2014 - 03:00 AM

luis manzano
SA ginanap na “Ala Eh! Festival 2014” (ng Batangas) presscon kahapon sa Valencia Compound na pag-aari ni Mother Lily Monteverde ay natanong siya ng entertainment press kung bakit sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan nila ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ay bakit hindi niya ito ginagawan ng pelikula.

Ayon kay Mother Lily matagal na niyang gustung ipag-produce ng pelikula ang Star for All Seasons pero, “It’s hard for me to say this, I always talk to Malou Santos (ng Star Cinema), sabi ko, ‘Malou, pagbigyan mo naman ako, gusto kong magsosyo (para sa movie ni Gov. Vi).’ Sana, I will pray na sasagutin ako ng Star Cinema, sana pagbigyan niya ako,” sabi ng Regal Matriarch.

Nakatakdang gumawa si Ate Vi ng pelikula sa Star Cinema sa 2015 kasama ang future daughter in law niyang si Angel Locsin, at  balitang may matinding sampalan ang dalawang aktres.

Kaya’t natanong ang gobernadora kung paano niya ito paghahandaan. “Hindi ko pa alam, pero maganda kasi ‘yung istorya, naiiba. Maski ‘yung karakter ko rito iba, ‘yung sampalan isyu, tingnan natin, depende sa mga eksena.

Pero nu’ng nag-meeting, I told them (Star Cinema), I want something new, kaya nga pati buhok iba, eh,” pahayag ng aktres-politiko. Bakit hindi na raw kasama si Luis Manzano sa pelikula nila ni Angel na una nang nabalita.

“Originally talaga kaming tatlo, pero parang ang anak ko, ayaw niya na ibebenta (ipo-promote) ‘yung relationship nila ni Angel. Masyadong malaki ang respeto ni Lucky sa relationship nila ni Angel, ayaw niyang ma-commercial.

Ayaw niya na baka mapaglaruan, so it’s the respect. The good thing is nirerespeto naman namin ‘yung desisyon ni Lucky,” paliwanag nanay ni Luis.

Samantala, last term na ni Ate Vi bilang gobernadora sa lalawigan ng Batangas at hindi pa niya sigurado kung muli siyang kakandidato sa anumang puwesto sa 2016 dahil nami-miss na raw niya talaga ang mag-showbiz.

Paliwanag nga ng Star for All Seasons, “Kung hindi man po ako matutuloy tumakbo ng 2016, gusto ko pong bumalik sa showbusiness, puwedeng artista, puwedeng producer, I might produce a film ulit, it’s just that hindi lang talaga matanggal sa puso ko ang showbiz kasi after ng 2016 ay 18 years na rin po akong public servant, I served Lipa City (bilang mayor) for 9 years and still another 9 years in the province of Batangas (governor).

“At pag pinag-usapan ang pulitika, hindi talaga ganu’n kadali ‘yun, ang pinakamasarap lang sa akin ay 18 taon din akong pinagkatiwalaan ng mga Batangueño, so gusto kong tapusin ito at ga-graduate ako ng 2016 as the governor of the province na masabi nilang Governor Vilma Santos-Recto served us well, ‘she served as well’.

“Hindi ko po kayang maghimala o magawan lahat ng problema, but at least marinig ko lang na Governor Vilma served as well at malaking bayad na ‘yun. So no plans in 2016, but definitely, I miss showbusiness, I miss showbusiness,” paulit-ulit na sabi ni Ate Vi.

Bukod dito ay wala ring masasabi ang lahat ng namumuno ng bawa’t bayan ng Batangas dahil lahat ng project nila ay suportado ni Gov. Vilma katulad nitong darating na “Ala Eh! Festival” sa Taal mula Dis. 1 hanggang Dis. 8.

Isang liggong selebrasyon ito para sa mga taga-Batangas na uumpisahan ng Fun Run (5 a.m.) sa Dec. 1. May trade fair, agri fair, photo exhibit at may street party sa Marcella Agoncillo Street na magsisimula ng 4 p.m..

May pakontes din para sa Mutya ng Taal, (Taaleno Ang Galing Mo!) na gaganapin sa Dis. 2 at 3, ang coronation night naman ay sa Dis. 5 sa Taal Plaza kung saan special guests ang maraming showbiz celebrities at ang inaabangang grand finals ng “Voices, Songs and Rhythms” na gaganapin sa Dis. 7, 7 p.m. at sa Dis. 8 naman magaganap ang Eucharistic celebration sa Basilica of St. Martin de Tours sa ganap na 7 a.m. na susundan ng street dance at float parade patungong Taal Park kung saan gaganapin ang festival dance competition.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya inaanyayahan nina Gov. Vilma at Vice-Gov. Mark Leviste kasama rin si Taal Mayor Michael Montenegro ang lahat ng kababayan na makiisa sa selebrasyon ng “Ala Eh! Festival”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending