MICHELLE walang retoke sa BOOBS ko! | Bandera

MICHELLE walang retoke sa BOOBS ko!

|April 03,2012
facebook
share this

MICHELLE walang retoke sa BOOBS ko!

- April 03, 2012 - 02:58 PM

Pareho raw sila ni ate Ehra na ‘malulusog’ and dibdib  

WALANG ipinaretoke sa kanyang katawan at lalong wala raw produkto ng photoshop sa bago niyang sexy pictorial para sa April issue ng FHM magazine, sabi ni Michelle Madrigal.

‘Yan ang siniguro ng Kapuso actress nang makachikahan naming siya during the weekend.

Nakita na namin ang 16-page pictorial ni Michelle sa nasabing magazine at sure na sure kaming mas maraming lalaking (pati na rin ang mga tibo.

Ha-hahaha!) ang maglalaway sa mga daring poses ng alaga ni tita Annabelle Rama kung saan halos ibuyangyang na ni Michelle ang kanyang malulusog na boobs.

Aminado si Michelle na ito na ang pinaka-daring na pictorial na ginawa niya, pero aniya, “Wala na kasi akong hiya-hiya rito, du’n sa mga una kong ginawa medyo may reservation pa ako kasi nga bata pa, di ba?

Pero dito, medyo tinodo ko na para naman may bago!”

“Tsaka walang photoshopped diyan, ha! Totoo lahat ‘yan!” paniniguro ng aktres na nagsabing talagang kinarir niya ang pagwo-workout para makuha ang kanyang ideal weight and figure.

Bukod daw sa pagda-diet ay sumailalim din siya sa Cross Fit training na parang sa military.

In fairness, naniniwala naman kami kay Michelle na wala siyang pinaretoke sa kanyang katawan, lalo na ang kanyang boobs dahil pareho naman sila ng kanyang ate Ehra Madrigal na biniyayaan ng malulusog na dibdib.

Sa ngayon, pahinga muna si Michelle sa acting dahil pinaghahandaan daw niya ang kanyang PEP test sa darating na April 18.

Kailangan  daw niyang maipasa ito para makapasok siya agad sa college at hindi na dumaan sa fourth year higschool.

Chika pa ni Michelle, type niyang mag- Culinary Arts.

“Gusto ko talagang mag- Culinary, pero sa New York, kasi, di ba, it’s the capital of all culinary schools and super expensive?

Mag-iipon ako at willing akong mag-stop sa showbiz dahil six to nine months ako mag-aaral para may regular job ako.

I can always go back naman sa showbiz. Kasi, na-realize kong education is really important,” sabi ng dalaga.

Tungkol naman sa lovelife, biniro ng press si Michelle tungkol sa isang lalaking nagngangalang “Josh”, natawa lang nang malakas si Michelle at nag-dialogue ng, “Wala ‘yun. FHM na lang muna ang pag-usapan natin! Ha-hahaha!”

Magkakaroon ng radio tour si Michelle sa April 12 at may autograph signing naman siya for FHM sa Apr. 13 na magaganap sa Movieworld sa Robinsons Galleria.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod diyan, ibinalita rin ng manager niyang si tita Annabelle na may naka-line-up na siyang bagong project sa GMA at ‘yan daw ang ating abangan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending