One on One with Vina Morales: Fountain of youth ni Vina Morales
ISA si Vina Morales sa mga female celebrities sa local showbiz na hindi tumatanda. Fresh na fresh pa rin ang kanyang itsura at ang seksi-seksi pa rin. Kapag nakita mo nga siya nang personal ay hindi mo aakalaing meron na siyang three-year-old daughter.
Bumisita si Vina sa BANDERA para sa isang exclusive one on one interview, at game na game niyang sinagot ang lahat ng aming katanungan, kabilang na diyan ang kanyang lovelife at ang pagiging super supportive sa kanyang kapatid na si Shaina Magdayao, pati na rin sa boyfriend nitong si John Lloyd Cruz.
Narito ang naging takbo ng pakikipag-usap natin kay Vina.
BANDERA: Kumusta na si Vina Morales?
VINA MORALES: I’m very good. I would say I’m complete as a woman, because I have my Ceanna (ang kanyang anak).
I’m blessed with great projects, blessed with the people whom I’m working with and of course, nandiyan pa rin ang family ko.
B: Anu-ano ang pinagkakaabalahan mo ngayon aside from singing?
VM: Kasi, I have ASAP and I just finished a show in the US with Vhong Navarro and babalik ako doon para sa 20th anniversary ng Star Magic. On April 1, Yeng Constatino, Jovit Baldivino and I will be in Los Angeles for a concert.
Then, magsa-sidetrip na ako, kasi I’m doing nga Rock Of Ages (musical play) so, panonoorin ko ‘yung play doon nang live, that’s my assignment to prepare para naman sa gagawin naming play dito (mapapanood sa RCBC Plaza, Makati City).
Nag-audition ako talaga for that. Kasi lahat ng artists na kasali rito, kailangan mag-audition and I really prayed about it.
And when I found out na nakapasa ako, sabi ko, this is it! Kailangang galingan ko talaga kasi first time kong magmu-musical play.
B: Bakit ngayon mo lang naisipang mag-stage play?
VM: Actually matagal na silang may offer sa akin, to play nga one of the main characters, pero feeling ko kasi hindi pa ako ready that time.
Masyado kasing mataas ang pagtingin ko sa theater talaga. Sabi ko nga, ito na lang ang kulang sa career ko, parang nagawa ko na lahat, movies, TV, concerts, so theater na lang ‘yung hindi ko nata-try.
So, nu’ng nag-offer sila uli sa akin, ang Atlantis Productions, sabi ko, I’ll grab it na.
Finally I decided to audition, I study my songs, I prayed a lot, pinag-aralan ko talaga.
Tapos the next day nalaman ko na pasok na nga ako.
It’s with Migs Ayesa, nagpe-perform talaga siya sa New York sa mga broadway, tapos may movie pa siya with Tom Cruise, ‘yung movie version naman ng Rock Of Ages, nagsu-shoot na sila sa London. Bongga, di ba?
B: May business ka pa rin, ‘yung Ystilo, at mukhang successful lahat ng branches n’yo ha?
VM: Oo nga, e. All over the Philippines na kami. And we’re awarded recently sa MVP Bossing, I also received a separate award from Agora para naman sa marketing.
Ngayon nga we’re announcing na pwede na silang mag-franchise, visit lang sila sa Ystilosalon.com.
May mga package kami na pwede nilang i-avail para sa mga gustong pumasok sa salon business. For P1.3 million pwede na silang magsimula.
B: Kumusta naman si Ceanna? Mahirap bang maging single mom?
VM: Mahirap. I know maraming makaka-relate sa akin na mga single mom.
Pero if there’s always love naman sa paligid niya, magagawan ng paraan ‘yan.
Siyempre, siya ang priority ko, she’s turning 3.
Ako, I’m working for her, kaya ang problem diyan is ‘yung quality time.
And ako masaya ako dahil ginagawan talaga ng paraan ng ABS ng Star Magic ‘yung schedule ko para kahit may work, hindi ko pa rin napapabayaan ang anak ko.
Kahit noon sa Agua Bendita, tinanong ko sila kung pwede kong dalhin ang anak ko sa set paminsan-minsan, pumayag naman sila.
For as long as nagagawa mo ‘yung trabaho mo, you do well, okay lang sa kanila. Alam din naman kasi ng Star Magic na my daughter is my priority.
B: Istrikto ka bang mommy? Disciplinarian?
VM: I’m in between, ayokong maging strict sa kanya masyado, parang baka masakal ko.
I always try to give her what she wants, pero kapag medyo nagiging spoiled na, ayoko naman ng ganu’n. Kasi as early as now, I want to discipline her na kasi kapag medyo malaki na ‘yan baka mahirap nang turuan.
Minsan nga kahit na masakit para sa ‘yo ‘yung ginagawa mong pagdisiplina sa kanya, pero kailangan mong gawin, e.
Kasi nga baka kapag lumaki na mas mahirapan na ako. I always try to understand her. And spanking is a no no for me.
B: May nagawa na kayong commercial (brand ng diaper), buti okay sa ‘yo na kahit bata pa, nagtatrabaho na?
VM: Okay lang naman sa akin ‘yung mga commercials, basta hindi mabigat, ‘yung alam kong mag-eenjoy pa rin siya sa gagawin niya.
Pero hindi ‘yung masyadong stressful, kasi alam ko kung paano ‘yung magtrabaho ng bata pa lang kasi naranasan ko na ‘yan, di ba?
Noong nasa Cebu pa ako, tapos pupunta ako dito sa Manila para sa mga commitments ko.
Pero wala rin kasing magawa ang parents ko dahil ‘yun din talaga ang gusto kong gawin.
Kaya suportahan mo rin kung ano ‘yung gusto ng bata.
B: Papayagan mo rin ba siyang mag-artista in the future?
VM: I know she loves music, kumakanta na siya! Pero ayoko siyang i-push na maging artista.
But if she wanted that way, I’ll support her pa rin.
Pero siyempre bilang nanay, mas maganda pa rin ‘yung maging private person siya, tapusin ‘yung pag-aaral at magkaroon ng magandang future.
B: Kumusta naman ang lovelife? Parang ang tagal mo nang walang karelasyon?
VM: I’m in love with Ceanna! Ha-hahaha! No, honestly, I’m not vocal when it comes to relationships, pag showbiz medyo okay lang, like ‘yung kay Keempee (de Leon) kay Robin (Padilla). But ang tagal na nu’n.
After three years of not dating, now I’m ready na, pwede nang mag-date and enter into new relationship.
Imagine, sa three years na ‘yun talagang kahit isang date wala talaga. It never came into my mind. So, ngayon, open na uli ako diyan. Game! Ha-hahaha!
B: Mas okay ba sa ‘yo kung non-showbiz ang maging next boyfriend mo?
VM: Kung pwede lang sana, para tahimik and wala masyadong intriga.
Kasi alam ko how it works here, e. Kapag showbiz to showbiz, mas malaki ‘yung possibility na maging magulo.
Lucky na lang talaga ‘yung ibang showbiz couples na tahimik ang pagsasama. Kasi kung ako lang, pag showbiz, may rason ka para sabihin sa mga tao na he’s non-showbiz kaya kung okay lang huwag na lang nating pag-usapan.
Kasi pag showbiz, kapag may project, mahahalungkat pa rin talaga kahit na sabihin mong huwag na lang. So, malaki talaga ang differenve.
B: Pero happy ka ngayon?
VM: Yes, masaya naman.
B: Kahit walang bagong lalaki sa buhay mo?
VM: Meron din naman. Ha-hahaha! Umamin! Hindi, kasi sa relationship naman hindi mo rin super malalaman kung siya na ba, e.
Kung kayo talaga, kayo. Mahirap na, e. Mas maganda ‘yung hindi mo na lang ipu-push kasi ‘yun ang masakit.
B: Advice mo sa mga kabataang nabubuntis ng maaga?
VM: Nabuntis din naman ako, pero later part nga lang! Ha-hahaha! Ako I’m a single mom. I’m not married when I had Ceanna.
So, I guess it’s so hard for me to comment on that kasi buhay din nila ‘yun.
Nagkataon lang I’m a bit older when I got pregnant. I can take care of my daughter properly kumbaga stable na ako, siguro yung mga teenagers, that the journey of their lives, dapat mas maging wise and matapang sila at dapat sa parents nila, suportahan na lang.
Kasi nangyari na ‘yun, siguro du’n sa hindi pa, maging careful na lang. Makinig sa mas nakakatanda para hindi sila magkamali.
B: Ano’ng masasabi mo sa abortion?
VM: I’m definitely against that kasi buhay na yung kinukuha mo, pumapatay ka na nu’n, e.
Kaya nga ako, go ako. Ready or not here I come mommy! Ha-hahaha! Walang pagsisisi.
B: Kumusta na si Shaina?
VM: She’s okay. Nakakalakad na siya nang normal uli, kasi di ba, ‘yung right ankle niya nagkaproblema dahil sa isang number sa ASAP?
Maayos na siya at nagte-taping na uli siya para sa bago niyang teleserye (Kung Ako’y Iiwan Mo).
B: Nagsusumbong pa rin ba siya sa ‘yo kapag may mga problema siya?
VM: Naku, pagdating diyan, meeting ng pamilya ‘yan hindi lang ako. We want to protect her siyempre.
Basta kung saan siya masaya doon kami. Pero kapag agrabyado na, gagawa kami ng paraan, siyempre.
B: Tungkol naman sa kanila ni John Lloyd, okay na ba uli sila?
VM: Shes good naman, and in fairness naman to Aidan (tawag nila kay John Lloyd) makikita mo naman ‘yung effort niya sa kapatid ko.
Nakikita ko ‘yung pakikisama niya sa pamilya ko. Mabait naman siya actually and we’re happy that they’re doing okay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.