Ariel matanda na nang makaranas ng Sex
Nakausap namin ang singer-actor na si Ariel Rivera after the presscon of Bagito. Stepdad ni Nash Aguas ang role ni Ariel at isang teacher. Sabi ni Ariel, he enjoyed working with the whole team of Bagito at napakaganda raw ng kuwento.
“Any angle you look at it maganda talaga ‘yung story. But at the end of the day, years back, when you looked back, it’s the people you’ve worked with becomes the fondest to me. That’s what I like, eto, like me and Angel.
Agot I have worked years na but for me working with Angel is a revelation. I worked with her before pero like, one or two scenes. Konti lang.
“Sabi ko nga kay direk Onat (Diaz), ganoon ba talaga si Angel? I just thought she’s just a pretty face. Pero mahusay palang umarte ‘to,” kasunod ang tawa niya.
Natigalgal naman siya sandali when asked kung ano ang aral ang maibibigay ng Bagito sa mga kabataan at sa mga magulang.
“Ano’ng aral? Wow! Masyadong malalim, e.
It’s really, I think, I’m talking on the perspecive of a father. We really know better. We really do. I don’t want to be righteous but we’ve been all through all that kind. Hindi ako nakabuntis ng bata ako pero alam ko ang pinagdadaanan noon.
“Maybe, be open to, always talk with your parents. ‘Yun lang ang mapapayo ko. Kasi ah, as mapapayuhan ko pa ang magulang kesa sa mga bata na hindi ko anak,” esplika niya.
Bukod sa pagiging gwapo noong kabataan niya, sikat na sikat din si Ariel at lapitin ng mga babae. E, ‘di ba nga siya ang sumunod na tinawag na Kilabot ng mga Kolehiyala after Hajji Alejandro? Pero noong makausap namin siya, he said again, never niyang nagustuhan ang title na ‘yun at nababaduyan siya.
Going back to lapitin ng mga babae, we asked him kung paano niya nakontrol noong binata siya na hindi makabuntis ng babae which isang bagay na pwede niyang ibahagi sa mga kabataan ngayon.
“Binu-bully ko lang. Ha-hahaha! Hindi, hindi! I think it’s upbringing, (by) my parents. Kahit anong sabihin it’s really your parents, ‘yun lang. Always trust your parents, your parents, your parents.
So, ‘yung dad ko was so influential sa pagpapalaki ko na ganito ako. I want to be raised, I’m raising my kids the way my parents raised me. And I’m hoping that’s enough para maging matino ‘yung anak ko,” sagot niya.
Typical good son pala siya, “I’m not a good son by any means but I try. When I do something, I always reflect on it, I don’t want to hurt or disappoint my parents. I wish go back to my parents teaching.
Kasi everybody has tempatations. Minsan nandiyan lang sa tabi mo, wala ka namang…it’s hard for you to, kaya nga kinain ni ano (Eva) ‘yung apple, ‘di ba? Ha-hahaha!”
Mahirap daw talaga i-resist ang temptation, “But if there has someone at the back of your mind, sasabihin mo, ‘My parents, how will it affect my parents? Ano ba ang turo sa akin ng parents ko, mga ganoon.”
Hearing that, inisip tuloy namin na parang hindi nga naka-experience ng sex at an early age si Ariel unlike ‘yung character ni Nash sa Bagito.
“Ah, not at 14. Hindi ko pa iniisip ang girls at 14. I think my first girlfriend…15 na ako. Hindi ko alam kung tamang edad ‘yun. Ang tamang edad naman wala sa number. It’s all in the mind,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.