Garcia ipaparada ng Racal bilang bagong coach | Bandera

Garcia ipaparada ng Racal bilang bagong coach

Mike Lee - November 17, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
12 n.n. Racal Motors vs MP Hotel
2 p.m. Bread Story-LPU vs Hapee
4 p.m. AMA University vs MJM Builders
Team Standings: Hapee (3-0); Café France (3-0); Cagayan Valley (3-0); Jumbo Plastic (2-1); Wangs Basketball (2-1); Cebuana Lhuillier (1-2); Tanduay Light (1-2); MP Hotel (1-2); AMA (1-2); Bread Story (1-2); Racal Motors (0-3); MJM M-Builders (0-3)

IPAPARADA ng Racal Motors ang bagong coach para pigilan ang pagtatalo na nangyayari sa koponan sa 2014-15 PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Caloy Garcia ang tinapik ng koponan para halinhinan ang nagbitiw na coach na si Jinno Manansala sa pagharap ng Racal Motors kontra sa MP Hotel sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Nagbitiw si Manansala matapos ang tatlong sunod na pagkatalo upang makapantay sa huling puwesto sa 12 koponang liga ang MJM M-Builders.

Si Garcia ang dating coach ng Hog’s Breath Café sa Foundation Cup na pumasok sa semifinals bago natalo sa NLEX Road Warriors.

Sasandalan ng pamunuan ng Racal Motors ang malawak na karanasan ni Garcia para makuha ang unang panalo sa Warriors na may 1-2 baraha.

Solohin ang unang puwesto ang pakay ng Hapee kontra Bread Story-Lyceum sa ikalawang laro sa alas-2 ng hapon habang sasakyan ng AMA University ang nailistang unang panalo sa huling laro kontra sa MJM M-Builders sa huling laro sa alas-4 ng hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending