Angel sinuwerte nang balikan si Luis; Darna isasali sa MMFF 2015
Bongga ang 2015 kay Angel Locsin. Tiyak na magniningning nang husto ang kanyang bituin dahil sa dalawang napakalaking movie ang kanyang gagawin for Star Cinema.
Nauna nang ibinalita na gagawin ni Angel ang “Darna” movie na sinasabing gagawing 3D. Hindi ba’t bongga ‘yan!? Parang first time sa isang Pinoy fantasy movie na mapapanood sa 3D?
Kaya lang, mukhang mauuna ang pelikulang pagsasamahan nila ni Vilma Santos. Mother’s Day offering daw kasi ng Star Cinema ang playdate ng movie kaya sa May 2015 ito ipalalabas.
Ang “Darna” movie naman ay sa October, 2015 naman ang original playdate. True ba na na-move ang “Darna” movie sa December? Ipi-field daw ito ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival.
Marami ang nakapansin na sobrang suwerte ang umabot kay Angel simula nang magkabalikan sila ni Luis Manzano. Naging madali ang pagsasama sa movie nina Angel at Vilma.
Siguro ay pambawi iyon ni Angel kay Vilma matapos niyang sabihin noon sa isang interview na gusto niyang makasama si Nora Aunor sa isang pelikula at ito ang kanyang idolo when it comes to acting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.