Piolo sinulot daw si Sarah kay John Lloyd: Dapat share kami!
HUWAG na huwag bibitiw sa pagtutok sa nalalapit na pagtatapos ng top-rating TV drama Hawak Kamay sa ABS-CBN.
Ang Hawak Kamay na pinagbibidahan ng ultimate heartthrob na si Piolo Pascual ay nangibabaw sa ratings simula noong ito ay umere.
Kasali rin sa family-oriented program sina Nikki Gil at mga Kapamilya child wonder na sina Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat at Yesha Camille.
Dahil sa tema ng show tungkol sa pagiging magkakapamilya kahit hindi magkakadugo, ang Hawak Kamay ay mainit na tinanggap ng TV viewers. Nakatanggap rin ito ng maraming positibong rebyu mula sa netizens.
Ang apat na buwan na pag-ere ng primetime bida teleserye ay naging matagumpay dahil sa consistent nitong istorya na nakasentro sa family issues na may kaugnayan sa modernong pamilyang Pinoy.
Bahagi rin ng tagumpay ng show ang husay ni Piolo sa drama series na naging big comeback niya sa telebisyon.
Ang pagganap din nina Iza Calzado bilang si Atty. Bianca Magpantay at Nikki Gil bilang si Me-ann ay nagpadagdag kulay sa teleserye pati ang perfect chemistry ng mga child actors na sina Zaijian, Xyriel at Yesha sa karakter ni Papa P.
Sa huling linggo ng serye, aasahan ng mga fans na makita kung paano magaganap ang hostage taking kina Bianca at Ningning (Yesha) sa pangunguna ng karkater ni Bernard Palanca, pati na kung paano bibigyang solusyon ng mga karakter ang mga namumuong isyu sa kwento.
Samantala, ang tinaguriang Primetime’s First Family ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng suportang natanggap nila sa mga tagahanga ng show. Patuloy na subaybayan ang kwento ng Hawak Kamay sa ABS after TV Patrol.
Nilinaw naman ni Piolo sa finale-thanksgiving presscon ng Hawak Kamay ang tungkol sa isyung “sinulot” daw niya si Sarah Geronimo kay John Lloyd Cruz.
Ang balita kasi ay gagawin na nina Sarah at Lloydie ang kanilang fourth movie, pero biglang sila ng Pop Princess ang magkasama sa pelikula.
“It’s not up to us just like what I said. Trabahador lang din kami, artista lang din kami, gagawin namin kung ano mga nire-request. Labas naman kami dun, and I don’t think Lloydie will feel bad because he’s not paired with Sarah.
Maraming beses na rin silang nagkapares, same thing with him and Toni (Gonzaga). So, maliit lang ang mundo, we have to share,” paliwanag ni Piolo.
Anyway, inamin ng Kapamilya leading man na na-excite siya nang malamang gagawa sila ng movie ni Sarah, pero ang unang concern niya, “Sabi ko, konsepto.
Konsepto ang importante. Siyempre, sa dami na ng nagawa nating pelikula, it’s important na bago. Mahirap sundan ‘yung ‘Starting Over Again’ and, of course, ‘yung track record ni Sarah ay nakaka-intimidate.
“Pero trabaho lang because I’ve always wanted to work with her. Sana maganda ‘yung kuwento, sana maganda ang istorya,” hirit pa ng aktor.
Tinanong din si Papa P, kung sakali, payag ba siyang maging romantic-comedy ang pelikula nila ni Sarah kung saan nagrereyna nga ang Pop Princess? Pabirong sagot ni Piolo, “Sabi ko naman kay Sarah, we saw each other sa ASAP, sabi ko, ‘Sarah, as early as now, I have to tell you, hindi ako puwedeng kissing scene, hanggang holding hands lang ako.
“Hindi ako puwedeng mag-love scene.’ Sabi ko sa kanya, may limit lang ang puwede kong gawin. Sinabi ko na bago kami magkatrabaho para clear na rin at hindi ako mag-expect,” nangingiting pahayag pa ng Hawak Kamay lead star.
“No, honestly…well, the thing is, Star Cinema is known for rom-com, bakit ka pa lalayo? I’ve done ‘OTJ’, I’ve done ‘Manila’, I’ve done films that hindi mainstream.
Pero with Star Cinema and you’re paired with Sarah, it has to be a rom-com. Forte ‘yan ng Star Cinema kaya walang problema,” seryosong chika pa ni Papa P.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.