Likas kay Daniel ang pagiging karinyoso! – Karla | Bandera

Likas kay Daniel ang pagiging karinyoso! – Karla

Cristy Fermin - November 14, 2014 - 03:00 AM

KARLA ESTRADA AT DANIEL PADILLA

KARLA ESTRADA AT DANIEL PADILLA

Minsan pa kaming nakarinig ng mga papuri tungkol kay Daniel Padilla nang magkaroon sila ng mga shows ni Kathryn Bernardo sa iba’t ibang lugar sa Canada.

Ayon sa ating mga kababayang matagal nang naninirahan du’n ay madaling kagaanan ng loob ang sikat na heartthrob dahil siya mismo ang naglalapit ng kanyang sarili sa kanyang mga tagasuporta.

“Tama ang sinabi mo, mabait nga at walang kayabang-yabang si Daniel Padilla,” komento ni Rey-Ar Reyes, kaibigan-anak-anakan naming matagal nang nakaposisyon bilang creative consultant ng Pilipino Express News Magazine sa Winnipeg, Canada.

Maraming kababayan na kasi natin du’n ang nakaranas ng hindi kagandahang ugali ng mga Pinoy entertainers, may mga artista kasing nagpapalutang ng kaangasan kahit sa karamihan ng tao, meron pa ngang mga personalidad na parang yamot na yamot kapag may mga nagpapa-picture taking sa kanila.

Pero iba raw si Daniel Padilla, marunong magpahalaga sa kanyang mga tagahanga ang batang aktor, binibigyan niya ng importansiya ang mga nagbiyahe pa mula sa malalayong lugar sa Canada para lang sila mapanood.

Sabi ni Karla Estrada, “Para na akong sirang plaka bago siya tuluyang umalis ng bahay namin kapag may shooting o taping siya. Palagi ko siyang pinaaalalahanan na maging generous sa time niya.

“Imagine, kung saan-saan pa nagmumula ang mga fans. Gumagastos sila at naglalaan ng time para lang makita ang idol nila, tapos, mabibigo lang pala?

“Ang lagi kong sinasabi kay DJ, baligtarin niya palagi ang sitwasyon, siya ang fan, ‘yung lumalapit sa kanya ang artista, para maintindihan niya ang sinasabi ko.

“Pero likas na kay DJ ang pagiging karinyoso, ang pagiging mapagbigay ng importance sa kapwa niya, kaya wala akong problema sa kanya,” kuwento ni Karla Estrada tungkol sa anak nitong sikat na sikat ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending