Jolens, Marvin game na game sa love scene | Bandera

Jolens, Marvin game na game sa love scene

Ervin Santiago - November 14, 2014 - 03:00 AM

JOLINA MAGDANGAL AT MARVIN AGUSTIN

JOLINA MAGDANGAL AT MARVIN AGUSTIN

PAREHONG inatake ng nerbiyos sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal nang gawin nila ang kauna-unahan nilang bed scene para sa seryeng Flor de Liza ng ABS-CBN.

Ayon sa dalawang nagbabalik-Kapamilya, ito kasi ang unang pagkakataon na magkakaroon sila ng love scene bilang magka-loveteam kaya medyo may kaba habang kinukunan ng kanilang direktor na si Wenn Deramas. Pero sey ni Marvin, naging madali naman daw para sa kanila ang nasabing mga eksena dahil sa motivation ni direk Wenn kaya naging game na game na rin sila.

Siniguro naman ng aktor na walang dapat ipag-alala ang asawa ni Jolens na si Mark Escueta, inalagaan naman niya si Jolina habang ginagawa nila ang kanilang love scene with the help of course ni direk Wenn.

Ayon naman kay Jolens, “Kaya ako nag-trust sa eksena na ganoon at nag-trust ako sa istorya na ‘yon dahil alam ko ang oras kung saan ito ilalabas. Pampamilya ito at knowing direk Wenn, alam kong aalagaan niya yung eksena. Alam kong artistic pa rin ang mangyayari.”

Dagdag pa ng aktres, “Siguro kaya din ako kumportable kasi si Marvin ‘yon. Kumbaga nagta-trust ako sa kanya.”
Kinailangan pa ba niyang magpaalam sa kanyang mister bago niya gawin ang nasabing bde scene? “Alam niya ang istorya ng Flordeliza and si Mark talaga hindi naging mabigat kasi alam niyang ito ang trabaho ko at fan talaga siya ng Jolina-Marvin at alam niya din ang nagawa ko na dati at ano pa ang magagawa ko ngayon. Very supportive siya sa akin kasi alam niyang ‘yun ang kailangan sa istorya.”

Hirit pa ni Jolina, “Sa industriya, gusto ko laging may bago kaya itong pagbabalik ko sa ABS-CBN napaka-thankful and grateful ko dahil ang project na ibinigay nila ay bago para sa akin, bago na gagawin ko at bago sa paningin ng tao na nakasanayan ng tao at bago para sa amin ni Marvin as love team. Kakaiba ang feeling.”

Tuwang-tuwa naman ang isa sa phenomenal loveteam noon ng ABS-CBN dahil sa buhos ng suporta ng kanilang mga fans, na hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin.

“Kapag may guesting kami, kinikilig sila tapos nagpapa-picture. Parang (gusto kong tanungin), ‘Talaga po?’ Tapos ‘yung mga reactions nila sa Instagram, Twitter and Facebook, nakakatuwa isipin na buhay pa rin tayo, mga Jolina-Marvin fans,” chika ni Jolens.

Sa trailer ng serye, hindi malinaw kung parehong pinakasalan ni Marvin sina Jolina at Desiree del Valle kaya natanong sila kung tungkol din ba ito sa mga kabit?

“Kapag sinagot namin ‘yan baka malaman na kung ano talaga eh,” ani Jolens.

Hirit pa niya, “Pero siguro, para sa akin, pwede kong sabihin na itong Flor de Liza, lahat ng gagawin ko dito ay bago sa lahat ng roles na ginawa ko. Basahin mo na doon, pero bago siya. Siguro kailangan kong i-prepare ang sarili ko for that role.”

Makakasama rin sa Flor de Liza sina Carlo Aquino, Elizabeth Oropesa, Tetchie Agbayani, Juan Rodrigo at ang dalawang Kapamilya child stars na sina Ashley Sarmiento at Rhed Bustamante na siyang gaganap bilang sina Flor at Liza respectively.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay direk Wenn, ito’y sa direksiyon din ni Tots Sanchez-Mariscal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending