Ay, Pinoy! | Bandera

Ay, Pinoy!

Ramon Tulfo - November 11, 2014 - 02:47 PM

KAHIT ano pa man ang dahilan ni Pangulong Noy sa hindi pagpunta sa Tacloban City sa anibersaryo ng paghasik ng Supertyphoon Yolanda, hindi siya mapapatawad ng mga biktima.

Long after he’s gone, mumurahin pa rin siya ng mga ito dahil sa kanilang pananaw ang Pangulo ay isang benggador at taong makitid ang pag-iisip.

Tacloban City is the ground zero of the massive destruction and mayhem na dinala ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo.

Kahit na di niya bi-nisita ang Guiuan, Eastern Samar, ang kauna-unahang tinamaan ni Yolanda, maiintindihan siya ng taumbayan dahil ang Tacloban City ang nagtamo ng pinakamaraming casualties at sira na dulot ng super-
typhoon.

Sa Guiuan pumunta ang pangulo sa halip na sa Tacloban City upang gunitain ang kalupitan ng Yolanda.

Ang Tacloban City kasi ay simbolo ng lupit ng Inang Kalikasan at ang large-scale destruction and untold suffering of the victims were covered by the world’s media.

Ang hindi pagdalo ng pangulo sa commemoration of Yolanda’s visit to Tacloban City ay kapansin-pansin.

May lider tayo ng bansa na mas pinahahalagahan niya ang kanyang emosyon kesa sa kahalagahan ng isang pagtitipon sanhi ng mapait ng karanasan ng bayan.

Ang mga Romualdez kasi ay kaaway ni P-Noy sa pulitika at personal at isa sa mga Romualdez ay mayor ng Tacloban City.

Baka nakakalimutan ni P-Noynoy na siya’y ama ng bayan at ang isang ama ay hindi nakikipag-away sa ilan sa kanyang mga anak kahit gaano pa kasama ng pag-uugali ng mga ito.

Nang siya’y bumisita sa mga ibang lugar na tinamaan ni Yolanda—Eastern Samar, Palawan, Cebu at Aklan—at nilagpasan ang Tacloban, mas lalong napagdiinan ang kanyang favoritism sa kanyang mga anak.

Nakapagtataka na walang miyembro ng Gabinete—lalong-lalo na si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas—na nagkaroon ng tapang sa pagbigay sa kanya ng payo na rendahan niya ang kanyang pagiging benggatibo.

Bakit hindi gayahin ni P-Noy si retired Maj. Gen. Pons Millena, dating commandant ng Philippine Marines?

Si Millena ay isa sa mga pinakamagaling na naging commandant ng Marines.

Pero bago pa man siya naging hepe ng pinaka-magaling na conventional unit ng Armed Forces, si Millena ay sinira-siraan ng kanyang mga kasamahan dahil sa intriga.

Naging biktima si Millena ng intriga dahil siya’y istrikto pagdating sa disiplina, isang katangian ng Marine.

Biktima siya ng “militics” o military politics na muntik niyang di makuha ang pinakamataas na puwesto ng Philippine Marine Corp.

Nang naging commandant si Millena, pinatawad niya ang kanyang mga kalaban at hiningi niya ang kanilang kooperasyon.

Hindi siya sumunod sa kanyang emosyon na gantihan ang mga nanira sa kanya dahil siya’y “ama na ng lahat ng Marines.”

Kung gayahin ni P-Noynoy si Millena baka siya’y isa sa mga pinakamagaling na naging pa-ngulo ng bansa dahil siya’y malinis at tapat sa kanyang tungkulin.
abihan na lumalabas ang pinakamasama at pinakamabuting ugali ng isang tao sa isang crisis.

Lumabas ang pinakamasama na ugali ng Pinoy sa Yolanda nang ang mga relief goods ay hindi napunta sa mga biktima kundi sa mga taong ganid.

May mga kuwento na ang mga pagkain na pinamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay hindi puwedeng kainin nang kahit hayop.

May nakapagsabi sa akin na ang Operation USA, isang charitable organization sa America , ay nagpadala ng $1 million worth of medical supplies and equipment na hindi nakarating.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ay, Pinoy!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending