Hayward binuhat ang Jazz laban sa Cavaliers | Bandera

Hayward binuhat ang Jazz laban sa Cavaliers

- , November 07, 2014 - 12:00 PM

TUMIRA si Gordon Hayward ng step-back jump shot bago tumunog ang buzzer para ihatid ang Utah Jazz sa 102-100 panalo kontra Cleveland Cavaliers sa kanilang NBA game kahapon sa Salt Lake City.

Si Hayward, na nagtala ng 21 puntos, ay naiwanan si LeBron James para makuha ang inbounds pass, pumeke patungo sa basket tsaka bumirada ng 21-foot jump shot bago tumunog ang buzzer. Kinuyog naman si Hayward ng kanyang mga kakampi matapos ang kanyang winning basket.

Si Derrick Favors ay nag-ambag ng 21 puntos at 10 rebounds para sa Jazz na kinailangang pigilan ang huling arangkada ni James na umiskor ng 31 puntos para sa Cleveland na nahulog sa 1-3 kartada.

Spurs 94, Hawks 92
Sa San Antonio, nagtala si Tim Duncan ng 17 puntos at 13 rebounds para pamunuan ang San Antonio Spurs na naitala ang ika-17 diretsong panalo sa kanilang homecourt laban sa Atlanta Hawks.

Ang Spurs ay naghatid din ng season-high 25 assists para sa balanseng opensa na pumigil sa huling ratsada ng Hawks sa huling yugto. Si Tony Parker ay umiskor ng 17 puntos habang si Manu Ginobili ay nagdagdag ng 12 puntos, kabilang ang isang pares ng free throws may 3.8 segundo ang nalalabi sa laro.

Sina DeMarre Carroll, Paul Millsap at Al Horford ay nagtala ng tig-17 puntos para sa Atlanta.

Ang Spurs ay hindi pa natatalo sa kanilang home floor kontra sa Hawks magmula nang makuha si Duncan sa rookie draft at nanalo sila sa 16 sa 17 kabuuang laro.

Bulls 95, Bucks 86
Sa Milwaukee, nagbalik si Derrick Rose mula sa injury para tulungan ang Chicago Bulls na magwagi laban sa Milwaukee Bucks.

Si Taj Gibson ay umiskor ng 23 puntos, si Pau Gasol ay nagdagdag ng 22 puntos at si Rose ay nagtala ng 13 puntos at pitong assists para sa Bulls, na tinalo ang Bucks ng siyam na sunod sa Milwaukee.

Si Giannis Antetokounmpo ay nagtala ng 13 puntos at walong rebounds para sa Bucks.

Angat ng isang puntos ang Chicago, tumira si Gasol ng jumper at makapagbuslo si Butler ng acrobatic layup para pagsimulan ng isang 9-2 run na pinangunahan ng 3-pointer ni Kirk Hinrich may 2:16 ang nalalabi sa laro.

Si Rose, na halos hindi nakapaglaro sa nakalipas na dalawang seasons bunga ng seryosong knee injury, ay hindi naglaro sa naunang dalawang laro ng the Bulls bunga ng sprain sa kanyang paa.

Grizzlies 102, Suns 91
Sa Phoenix, kumana si Mike Conley ng 24 puntos at 11 assists para sa Memphis Grizzlies na gumamit ng matinding depensa sa ikatlong yugto para talunin ang Phoenix Suns at manatiling walang talo.

Ang Grizzlies, na nagwagi kontra Suns sa lahat ng kanilang apat na laro sa nakalipas na season, ay nakapuwersa ng 10 turnovers sa ikatlong yugto tungo sa pagtala ng limang puntos na kalamangan papasok sa ikaapat na yugto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Conley at Courtney Lee, na parehong nanggaling sa injury, ay nagsanib puwersa sa pag-iskor ng 17 sa 30 puntos ng Memphis sa ikatlong yugto.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending