‘I Do’ grand couple mananalo ng P1-M, house & lot, plus wedding at honeymoon package
MAS feel namin ang couple na sina Jimmy at Kring kesa kina Chad at Sheela na tanghaling grand winner sa reality series ng ABS-CBN na I Do hosted by Judy Ann Santos.
Ang tatanghaling first I Do couple ay magwawagi ng grand wedding with honeymoon package, negosyo package (worth 1.5 million) P1 million cash prize at house and lot! Bongga, di ba? Kaya nga sana’y mapunta sa tunay na deserving ang mga premyong ito.
We have seen most of the couples’ journey at nakakaaliw silang panoorin habang naggu-grow din as partners sa lahat ng tasks, physically man o emotionally and also mentally.
Yung ibang couples na bet namin ay natanggal na sa programa. Hanggang sa matira na lang nga ang power couples na sina Jimmy-Kring at Chad-Sheela.
Touched na touched nga kami sa pagiging consistent nina Jimmy at Kring dahil yung kakaibang “sacrifice” na hindi basta nagagawa ng isang partner for his/her loved one ay nakita namin sa dalawa in so many occasions ultimo sa test of love, loyalty and respect.
Considering na magkaiba pa sila ng lahi dahil isang Koreano si Jimmy at Pinay naman si Sheela na aminadong 23 years old na siya nang maligawan.
Ngayong Sabado (Nov. 8) ay malalaman na kung sino ang mananalo via text votes (bisitahin ang ido.abs-cbn.com for details) at sa Nov. 15 naman ay gaganapin ang grand wedding.
Para makaboto i-text lang ang IDO A para kina Chad at Sheela o IDO B para kina Jimmy at Kring at i-send sa 2331 para sa Globe, TM, Sun at ABS-CBNmobile, at sa 231 para sa Smart, Talk N Text subscribers.
Pareho namang gustong i-share ng two couple contenders sa public ang kanilang kasal kaya’t makakaasa daw tayong masasaksihan natin ang kabuuan ng journey nila sa I Do na tunay namang life changing experience.
“Money matters,” pagkumpirma naman ni Judy Ann Santos bilang host ng I Do at isa sa mga nagbibigay ng advice, judgment and tips sa mga kasaling couples.
“Sobrang magandang learning experience and process sa akin ang I Do. Hindi lang ako nakaka-relate, dahil I also live their lives. Halos pare-pareho naman ang sitwasyon namin ng mga couples pagdating sa love, loyalty, discipline, and other issues.
At doon ko nga napatunayan na malaking factor sa isang good relationship kung paano kayo nagkakasundo sa pera.
“Kaya nga lagi kong sinasabi sa bawat encounter namin na money matters at hindi puro love lang.
Aanhin mo ang pag-ibig kung nganga kayo after? Sa start pa lang, yung stability ng finances ninyo dapat ginagawang consideration before getting into a more serious level which is nga either living in or getting married,” pagbabahagi pa ni Juday sa farewell presscon ng show.
Tahasan pang ikinuwento ni Juday na sa relasyon nila ni Ryan Agoncillo, lagi raw nilang inuuna ang pagse-settle ng financial obligations nila o pagse-share sa lahat ng gastos sa bahay at para sa mga anak nila, bago pa man nila ayusin ang kanilang personal expenses.
Pero inamin din ng aktres-TV host na between them, ay siya ang mas magastos at mas maraming binibiling personal na bagay kaya naman daw kayod siya nang kayod. Kotse lang daw kasi ang kinahihiligan ni Ryan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.