Coco isa na sa pinakamayamang Young Male Celebrity sa Pinas | Bandera

Coco isa na sa pinakamayamang Young Male Celebrity sa Pinas

Jobert Sucaldito - November 04, 2014 - 03:00 AM

coco martin
ISA si Coco Martin sa maituturing nating pinakamatagumpay amongst all the stars in showbiz. Hindi rin naman easy climb to success ang dinanas ng batang ito – he has weathered all the greatest trials one can imagine bago niya natamo ang karangyaan at kariwasaan ng buhay.

Naalala ko pa nu’ng Startalk days namin nina Kuya Boy Abunda and Kris Aquino sa GMA 7 – baguhan pa lang si Coco that time at karay-karay ng former manager niyang si Coco Simmo. Guwapo na si Coco noon,  though may kaliitan lang talaga pero meron siyang defense mechanism kaming naramdaman of him na parang suplado ang dating.

Dala marahil ng insecurity. Kasi nga, he was a nobody and worried siguro na baka hindi mag-click sa showbiz dahil hindi katangkaran.After that meet-up, nabalitaan na lang namin that Coco started working sa indie world.

Nagpa-sexy pero in fairness, marunong talaga siyang umarte. Kahit hubaran ang tema ng kaniyang projects that time, pinatunayan niyang meron siyang ibubuga – not just that stick between his legs.

Ha-hahaha! There was a film I’ve watched of him na talagang labas ang pototoy niya – malaking maitim pero I was told na fake yun. Hindi naman daw ganoon ang kay Coco sa totoong buhay.

Nakakaloka, di ba? For cinematic purporse lang daw ang paglagay ng fake notes kay Coco. Anyway, years passed and Coco found a new home – nu’ng kinuha na siya ng ABS-CBN.

Maraming kuwento about his entry sa Dos – as in, super-dami talaga. But then and again, hindi na pinansin ng mga nagmamahal kay Coco ang mga isyung iyon.

Ang mahalaga ay kung paano siya kagaling bilang aktor – kung paano niya pinahagalahan ang break na ibinigay sa kaniya sa Dos.He proved to the world na puwede palang mag-crossover ang isang sexy actor to a matinee-type without prejudice.

Naitawid ni Coco nang maayos ang imaheng iyon. Dala na rin ng super-alaga sa kaniya ng istasyon. And dito namin nakilala nang mabuti ang isang Coco Martin.

The more that he gets popular and richer, the more na naging mas down-to-earth ang bata. The more that he becomes humble that’s why he has endeared himself to everyone.

Iyon ang naramdaman naming tunay na pagkatao ni Coco Martin – ang pagiging mabuting nilalang. What a role model to everyone in showbiz!

Marunong magpahalaga sa mga taong pinagkakautangan ng loob – hindi kailanman nagyabang at talagang ipapadama niya sa iyo without effort ang pagiging malambing and mapagmahal.

Marespetong bata and all. Wala ka nang hahanapin pa sa isang artista – na kay Coco Martin na yata lahat. Kaya mahal na mahal namin ang batang ito. He has realized his dreams by so much hard work, faith and luck.

Suwerte talaga niya, good timing kumbaga. When everyone’s hungry for a good actor, he came in at the right time. Maganda pa ang attitude towards work, hindi mareklamo pero artist talaga ang utak.

Hindi puwede sa kaniya ang “puwede na”. He wants perfection.Kita niyo naman siguro sa trabaho niya kung gaano siya ka-passionate sa bawat eksenang ginagawa niya.

That’s how he is. Kaya nakikita naming tatagal pa siya nang tatagal sa negosyong ito – huwag lang mapagod sobra.
And mind you, Coco is one of the richest amongst his peers now.

Marunong mag-ipon – he has build a multi-million house in Commonwealth, Q.C. Nagpatayo raw ito ng malaking compound para sama-sama na sila ng mga mahal niya sa buhay most especially his lola na super-love niya.

At nakita niyo naman, hindi siya focused sa lovelife – alam niya ang priorities niya, trabaho muna, ipon nang ipon. Hindi rin siya mahilig maglakwatsa, hindi siya nagsusugal – walang bisyo at walang girlfriend.

But he’s not gay ha. Mabuti na yung malinaw. Siguro patikim-tikim lang muna si bagets pero hindi pa siya ready for a commitment. Iyan ang dapat sa mga artista natin, kailangang marunong mag-prioritize ng mga bagay-bagay sa buhay nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya in short, he is a true ROLE MODEL ng kapwa-artista niya. Nice one, Coco dear. Ikaw na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending