Nanay ni Daniel Bagsak, inisnab ng 4 na coach sa The Voice
HINDI pala nakapasa sa blind auditions ng The Voice of the Philippines season 2 ng ABS-CBN ang nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.
Hindi na-impress ni Karla ang apat na coaches ng The Voice na sina Lea Salonga, Bamboo, Apl.de.Ap at Sarah Geronimo sa kanyang performance sa nasabing audition. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, walang umikot na coach matapos siyang kumanta.
Sinabi naman ng nanay ni Daniel na sumali siya sa The Voice for experience, hindi naman daw talaga siya nag-expect na makakapasa siya sa auditions.
Sa isang website report, matapos makita si Karla on stage ay nag-dialogue raw si coach Lea ng, “I know you! I know you! What’s your name?” Kung matatandaan parehong naging bahagi ng That’s Entertainment noon sina Lea at Karla.
In fairness, napakataas ng rating ng unang episode ng The Voice season 2 na umere noong nakaraang Linggo, base sa Kantar Media nakakuha ito ng nationwide TV rating NG 28.3 percent, habang nakakuha naman ng 17.2 percent ang kalaban nitong Kapuso Mo, Jessica Soho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.