HOROSCOPE, November 02, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, November 02, 2014

Madam Sophia - November 02, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa pinansiyal, unahing pakisamahan ang mga taong nakapaligid sayo, sa kanila ka huhugot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang mamahaling restaurant upang matuwa naman siya sa iyo, total malapit na ang Christmas bonus. Mapalad ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Amor.” Blue at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) –  Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, wag maging magastos. Ang pagiipon ang sure na paraan patungo sa pagyaman.  Sa pag-ibig, ngayong papalapit na ang Disyembre, matitighay na ang pagka-uhaw sa isang wagas at tunay na relasyon.  Mapalad ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Om.” Red at beige ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –  Anoman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag mong guluhin ang isip sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang kalooban, mas masarap na romansa ang matitikman. Mapalad ang 9, 18, 21, 30, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Pink at orange ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) –     Mabilis talagang maubos ang pera kaya konting tipid naman!  Sa pag-ibig, matamlay ang kasuyo, abutan siya ng malaking halaga upang sumigla naman ang buladas ng kanyang pagmumukha. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong manrta: “Bis-Vincit-Que-Victoria-Vincit.” Gold at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) –   Ang pagkilos na mabagal ay hindi magdadala ng tagumpay. Bilis ang susi upang magkaroon ng maraming-maraming pera at makamit ang tunay na ligaya.  Sa pag-ibig, kapag aalialigid ang kasuyo sunggaban agad. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Viam-Inveniam-Faciam”. Green at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –    Darating ang suwerte at magandang kapalaran kung ngayon palang magsasabit ka na ng parol at Christmas light sa inyong bahay. Sa pag-ibig, sa anomang pang-dekorasyon lalong sasarap ang romansa kung gagamit ng kulay na pula at dilaw. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Cineri-Gloria-Sera-Est.” Bukod sa pula mapalad ang dilaw.

Virgo – (August 23 – September 22) –   Iwaksi ang kayabangan, sa pagpapakumbaba, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, ngayong kapaskuhan, pabayaan mong masunod ang mga balak ng kasuyong maangas. Mapalad ang 4, 14, 17, 29, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dimidium-Facti-Qui-Habet.” Blue at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) –    Sa pamamagitan ng masayahing aura, kikita ng malaking halaga. Panatiliin ang pagiging pala-ngiti at masiyahin. Sa pag-ibig, lalong iinit ang relasyon kung pangingitiin ang kasuyo sa pamamagitan ng maninipis na halik.  Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Hahalakhak ako sa daigdig!” Red at beige ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) –   Iwasan ang ugaling mahilig manghingi.  Mas kikita ng malaking halaga kung tatayo sa sarili mga paa ng walang ibang inaasahan.  Medyo mahirap ang walang inaasahan pero kailangan mong gawin upang magtagumpay ka. Mapalad ang 1, 13, 25, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut-Vincer-Aut-Mori.”  Lilac at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) –    Bakit hindi mo magawang ipatupad ang magagandang balak upang lumago ang kabuhayan? Now na, ang peg, agad ka ng kumilos! Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyo sa isang venture na kikita kayo ng malaking halaga ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.  Mapalad ang 3, 12, 27, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Om.” Green at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) –   Kahit may malaking gastusin, maglaan ng salapi para sa pag-iipon. Hindi maganda ang mayabang mauubos lang ang iyong pera.  Sa pag-ibig, green ang kulay na magpapasigla ng suyuan. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Benit.” Bukod sa green buenas ang gold.

Aquarius – (January 20 – February 18) –   Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Umpisahan ng mangalakal sa ibat-ibang lugar. Sa pag-ibig paghandaan ngayon palang ang pagde-date ninyo ng kasuyo sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 7, 19, 27, 35, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nulli-Secundus-Nulli-Secunda.” Yellow at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)  – Ang pansamantalang pagkaubos ng salapi ang maghahatid sa lubos na pag-unlad sa darating na mga araw. Sa pag-ibig, ang kabiguan ngayon ay lihim na daan, upang matagpuan  ang isang mas maligayang ka-relasyon sa araw sa susunod na taong 2015.  Mapalad ang 4, 7, 19, 24, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om-Krato.” Gold at lilac ang benas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending