Kia Motors tinambakan ng Rain or Shine, 117-88 | Bandera

Kia Motors tinambakan ng Rain or Shine, 117-88

- , October 30, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Alaska vs Meralco
7 p.m. Globalport vs Purefoods

BAGAMAT wala pa sa pinakamahusay nilang porma, tinambakan ng Rain or Shine Elasto Painters ang bagitong Kia Sorento, 117-88, sa kanilang PBA Philippine Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ginamit ang laro na parang warmup para sa napipintong sagupaan sa isang bigating koponan sa darating na Linggo, pinaglaruan ng Elasto Painters ang Sorento tungo sa pagtala ng ikalawang sunod na panalo at  2-1 kartada.

“We started the conference slow (with a loss to San Miguel Beer and a narrow win over Blackwater),” sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao. “We’re just trying to regain our chemistry back, our confidence back.”

“I guess this is the best way to do it,” dagdag pa ni Guiao. “We were able to sustain our energy level. That was our problem in our first two games.”

Si Paul Lee ay nagbalik-aksyon at kinamada ang 11 sa kanyang 22 puntos sa ikaapat na yugto para pangunahan ang pitong manlalaro ng Rain or Shine na gumawa ng 10 puntos o higit pa.

Hindi rin nakaporma sa Elasto Painters ang Sorento na nakatanggap pa ng tawag mula kay playing coach Manny Pacquiao mula sa training camp nito sa General Santos bago ang laro.

Umiskor si Reil Cervantes ng 18 puntos para pamunuan ang Kia na nalasap ang ikalawang diretsong kabiguan matapos itala ang 80-66 pagwawagi sa Blackwater Elite sa pagbubukas ng pro league.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending