Aljur handa nang makipag-ayos sa GMA 7 | Bandera

Aljur handa nang makipag-ayos sa GMA 7

Jobert Sucaldito - October 24, 2014 - 03:00 AM

ALJUR ABRENICA

ALJUR ABRENICA

IT’S been a while nu’ng huli pa naming mapanood si Papa Aljur Abrenica sa mga GMA 7 shows – dala pa rin ito ng demandang inihain niya sa kaniyang management team na Artist Center ng network.

Maraming dahilan si Papa Aljur sa pagpapa-release sa kuwadra ng Kapuso station pero sabi nga namin, since matagal-tagal na ring tumatakbo ang kaso, for sure ay humupa na ang kaniyang sama ng loob sa network. In short, baka puwedeng mag-level up na ang bad blood nila.

When I say LEVEL UP, hindi ibig sabihing mag-away sila lalo at magpataasan ng ihi – I mean, sana’y ma-realize na ng dalawang kampo ang kanilang mga pagkakamali – as talent manager to Aljur and Aljur naman as their talent. Pareho naman silang may pagkukulang tiyak dahil may kasabihan nga tayong “it takes two to tango”, di ba?

“Sa ilang buwan kong pagiging inactive sa GMA 7, maliban sa nagawa ko ang mga bagay-bagay na na-miss ko dahil naging sobrang busy ako sa work before (bonding with family, composing songs, etcetera) marami rin akong na-realize, ang mga pagkakamali ko sa buhay.

“OK naman ako ngayon, even financially, ang iniisip ko lang ngayon ay kung paano ko pa ie-enjoy ang buhay ko at career.

Marami akong gustong gawin – mahaba ang timetable ko. No, it’s not true na lilipat ako ng network. That’s not part of the plan.

Marami lang akong inaayos pa. Hopefully everything will be okay in the next days,” ani Papa Aljur when I called him the other night.

Ako naman, as someone very close to Aljur, I just wish him well. Dasal ko nga ay magkaayos na sila ng GMA dahil in fairness, ang tingin ko lang diyan ay kulang sila sa komunikasyon. Sana ay makapag-compromise sila sa isa’t isa. Puwede naman iyon eh – hindi yung pataasan ng ihi. Puwede nilang upuan ang mga bagay-bagay, pag-usapan nang mahinahon ang kanilang mga pagkukulang sa isa’t isa – laying cards on the table must be of help too.

Sayang naman kasi ang pinagsamahan nila kung mauuwi lang sa wala. May point naman si Papa Aljur but of course, meron din sigurong dahilan ang GMA sa ilang pagkakataon kung kaya’t hindi naging healthy ang huling bahagi ng kanilang relasyon.
“Willing naman akong makipag-dialogue given a chance. Pero siyempre, kailangang malinaw sa both parties ang mga bagay-bagay. Nagdarasal akong sana ay maayos din ang lahat. In God’s grace,” ani Papa Aljur na mukhang masaya naman ngayon sa kaniyang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending