Coco mamimigay daw ng pera sa staff ng Ikaw Lamang
We were told na meron na namang kasalang magaganap sa ending ng soap nina Kim Chiu at Coco Martin.
Well, that’s what people are expecting. Hindi na naman bago ‘yan sa mga ending ng teleserye ng Dos. Kaya nga pinagtatawanan na sila sa social media, ‘di ba, dahil pare-pareho ang kanilang ending – may patayan, may habulan, may kasalan. What else is new? Mas masa-shock pa siguro ang televiewers kung iibahin nila ang strategy sa kanilang ending.
Anyway, rich na rich pala talaga si Coco, ha. Meron itong naispatang car at tila hindi na siya makatulog kaya pinahanap niya ang latest model ng brand ng car na ‘yun. Tumataginting na P2.7 million ang halaga ng car na binili kamakailan ni Coco.
Ang chika sa amin, magpapa-last day raw itong si Coco sa mansion niya sa Quezon City. Merong daw activities for the production staff at siyempre may mga premyo. Meron daw palarong basketball si Coco for the male production team members.
Siguro ay iyon na rin ang celebration at pasasalamat ni Coco para sa kanyang 10th anniversary sa showbiz.
Kaya mahal na mahal si Coco ng production staff ay dahil hindi niya ito nakakalimutan. He is that humble. Gusto niyang paligayahin ang mga maliliit na tao sa TV industry.
Ganyan siya magpahalaga sa mga tao. Unlike other big stars na kung umasta ay mga superstar na, Coco is very humble kaya naman siya pinagpapala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.