Para humingi ng sorry at makipag-ayos sa pamangkin
MARAMI na ang naisulat tungkol kina Megastar Sharon Cuneta and tita Helen Gamboa, one of my closest and favorite veteran actresses, and seems like lumalala na ang sitwasyon between them.
Nakakalungkot lang dahil alam naman nating dati-rati’y parang mag-ina ang turingan nilang dalawa.
Kasi nga Sharon is the daughter of Mommy Elaine Gamboa, sister ni tita Helen, at sa pagkakatanda namin, it was her uncle, now Sen. Tito Sotto, who paved the way para makapasok sa showbiz si Shawie na nagsimula nga sa kanyang super-hit song “Mr. DJ”.
Since then ay sobra na ang pagmamahalang namagitan sa kanilang mag-anak – parang second parents na nga ang turing ni Sharon kina tito Sen and tita Helen.
Pero ngayon, seems like everything is washed away, love seems to vanish at masasakit na ang palitan nila ng mga salita.
Ang ugat daw ng lahat ng ito ay politics.
Politics and politics – how cruel of you. Grabe ka kung manira ng buhay ng may buhay. Pati mag-anak ay pinag-aaway mo.
Ginugulo mo. What is it about power na talagang addictive kung kaya’t ang mga tao sa loob ay halos magpatayan makaupo lamang at makuha ang gusto?
Nakakaloka! In fact, sa ibang mga bayan, mismong mag-aanak ay literal na nagpapatayan maagaw lang ang puwesto sa pulitika.
I hope we don’t see this in Sharon and tita Helen, I am praying na sana’y maagapan pa ang lahat.
Sharon kasi is so much in love with husband, Sen. Kiko Pangilinan – kilala as Mr. Noted sa Senado.
Lahat ay gagawin ni Sharon maalalayan lang ang asawang senador.
And that’s a normal thing – sino pa ba ang susuporta kay Kiko kundi ang sikat niyang misis, di ba? If not for Sharon’s name siguro’y matagal nang nalaglag si Kiko sa puwesto.
Sa dami ng fans ni Shawie ay napakalaking puntos ang nakukuha ni Kiko kaya senador pa rin siya hanggang ngayon.
And natural lang ding umalalay si Sharon sa buhay-pulitika ng asawa niya dahil mahihirapan na nga naman siyang makahanap pa ng lalaking magmamahal ng tunay sa kanya.
Mahirap kasi ang ganoong stature – yung tulad ng kay Sharon – mahirap makahanap ng lifetime partner dahil sa sobrang sikat at yaman.
It takes someone na ka-level niya para magtagal sila, di ba? And Kiko may just be a perfect match kasi meron ding sinasabi ang kanyang pamilya.
Last week ay medyo nagulat lang kami sa exchange of words ng magtiya sa media.
Obviously ay masama ang loob ni tita Helen sa pamangking Megastar.
And like anyone of us, normal lang namang napagsasabihan tayo ng mga tiyahin natin, di ba?
In fact, kinalakhan na nating palaging nasasabon ng mga tiyahin natin, whether tama o mali man sila ay nakasanayan na nating lunukin ang mga pananabon nila sa atin.
Ang masaklap lang dito ay sumagot si Sharon, because she also would like to defend herself and her husband.
Ang masama lang, ang naging sagutan nila ay sa pamamagitan ng media, sa mga social networking sites na nababasa ng buong mundo.
That makes the big difference.
Pag nailabas na ito sa isang social networking site like Twitter or Facebook, mahirap nang mabawi.
Hanggang sa magsasanga-sanga na ang lahat.
Instead na magkaayos amicably and privately, napagpistahan na sila.
Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakarinig o nakabasa ng statement na “blood is not always thicker than water”.
Iyon daw ang tinuran ni Ms. Sharon bilang patama sa tita Helen niya.
Doon ako kinilabutan, maaamoy mong nasa war mode na sila. Ayokong isiping seryoso na talaga si Sharon sa sinabi niyang ito sa press.
Kahit sabihin pa kasi nating may punto si Sharon kaya nakapagsalita siya ng ganoon, na-hurt pa rin ako for tita Helen.
Kasi nga, tita niya iyon and I guess Sharon could have been a little subtle with her words – more careful.
Ayokong isiping kaya na niyang talikuran ang dating matibay na relasyon sa pamilya ni tita Helen at Tito Sen.
Sayang nga at medyo mahina na rin si Mommy Elaine dahil kung malakas-lakas pa ito ay baka hindi umabot sa bangayan ang dalawa.
For sure ay mapag-uusapan nila ito out of media’s eyes. Kumbaga, ayokong dumating ang araw that they will wash their dirty linens in public.
Marami ang nagtatanong sa amin kung sino raw kaya sa palagay namin ang gagawa ng hakbang para magkaayos sila – kung sino raw sa dalawa ang dapat magpakumbaba?
If you were to ask me, tahasan kong sasagutin iyan na dapat si Sharon. Huwag niyang isipin ang status niya as a Megastar who can get rid of anything.
Isipin na lang sana niya na ang pagiging pamangkin niya, ang pagiging baby niya to tito Sen and tita Helen.
Natural na hindi papayag si Tita Helen na lumuhod sa kanya, sa tandang ito ni tita Helen, dapat ay si Sharon ang magpakumbaba kahit nasa tama pa siya sa tingin niya.
Kasi nga, ang bansa natin ito ay very matriarchal, makaina tayo kaya dapat ay si Sharon ang gumawa ng paraan para maapos ulit ang relasyon nila. Huwag na siyang magdadaldal sa media, huwag siyang magmatigas.
It would be sweeter for someone like her to go down her level – say sorry to tita Helen.
Ayaw ng Diyos ng batang sutil.
The more na mamahalin ng taumbayan si Sharon pag ginawa niya ito. Respeto na lang sa nakatatanda, Shawie. Please…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.