SIMULA ngayong araw ay P8.50 na ang minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeepney.
Kahapon ay inilabas na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang kanilang desisyon sa hiling ng iba’t ibang transportation groups na ibalik ang 50 sentimos na provisional fare increase.
Saklaw ang buong bansasa pagtataas, maliban sa Region 12 na hindi umano naghain ng petisyon para makapagtaas.
Hiniling ng mga transport groups na ibalik ang 50 sentimos na provisional increase dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng diesel.
Muli namang babalik sa P8 ang minimum fare kapag muling bumaba ang halaga ng diesel sa P45/liter level.
Samantala, nanawagan naman ang Trade Union Congress of the Philippines na bilisan ang pagpasa ng dagdag na P90 minimum wage hike na kanilang hinihiling.
Ayon sa TUCP maituturing na extra-ordinary situation at supervening events ang pagtataas ng pamasahe kaya dapat agad na maaprubahan ang dagdag sahod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.