Iñigo biktima ng pambu-bully dahil kay Piolo
Inamin naman ng anak ni Piolo Pascual na si Iñigo na naging biktima rin siya noon ng pambu-bully. Ayon sa bagets, inaasar daw siya lagi ng kanyang mga kaklase kapag may mga pangit na balita tungkol sa kanyang tatay.
Sey ni Iñigo, ‘yun daw ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Piolo at ang kanyang ina na dalhin siya sa Amerika para doon na lang ipagpatuloy ang kanyang studies, “They want me to have a normal childhood.
Yes, istrikto ang parents ko pero I understand naman kung bakit sila ganu’n. They only want the best for me.” Dedma lang ang binatang anak ni Papa P sa mga bashers niya sa social media, ang mahalaga sa kanya ay ang mapasaya ang lahat ng mga taong sumusuporta ang naniniwala sa kanyang talent bilang artista at singer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.