Solenn takot sa kaso ni Derek | Bandera

Solenn takot sa kaso ni Derek

Ervin Santiago |October 18,2014
facebook
share this

Solenn takot sa kaso ni Derek

Ervin Santiago - October 18, 2014 - 03:00 AM

solenn heusaf
HINDI alam ni Kapuso actress Solenn Heussaff na kasal at may anak na si Derek Ramsay nang magkaroon sila ng relasyon na tumagal nang halos tatlong taon. Pero alam daw niya na maraming naging girlfriend ang  aktor.

Tumanggi rin si Solenn na magbigay ng reaksiyon sa kinasasangkutang iskandalo ng kanyang ex-BF at ng estranged wife nitong si Mary Christine Jolly, “Ay, wala akong masasabi diyan!” anang aktres nang makorner ng media pagkatapos ng presscon ng kauna-unahang bayani-serye ng GMA, ang Ilustrado starring Alden Richards bilang si Jose Rizal.

Idinenay din ni Solenn na nagkausap sila ni Derek tungkol sa mga kasong kinasasangkutan nito, siyempre ayaw na niyang madamay pa sa gulo, “We really don’t keep in touch since we broke up.

If I see him in person, magkukumusta kami. Pero aside from that, tapos na yung…history na ‘yan, tagal na tagal ‘yan.”  Ayaw ding magkomento ng aktres tungkol sa kasong concubinage na isinampa ng dating misis ni Derek laban dito at sa ex-girlfriend nitong si Angelica Panganiban.

Ani Solenn, hindi siya aware na may asawa at may anak si Derek nu’ng maging sila ilang taon na ang nakararaan, “Nu’ng nakita ko lang sa news ngayon (ko lang nalaman).

Alam ko yung mga exes lang siya, yun na. Dami naman siyang girlfriend.” Samantala, super happy and thankful daw si Solenn na napasama siya sa bagong bayani-serye ng Kapuso network, ito ngang Ilustrado na magsisimula na sa Lunes sa GMA TeleBabad.

Gaganap siya rito bilang si Nellie Bousted, isa sa mga babaeng nagpatibok sa puso ni Rizal na gagampanan nga ni Alden.
Tampok din sa Ilustrado na ipinrodyus ng GMA News & Public Affairs sina Kylie Padilla as Leonor Rivera at Max Collins as Consuelo Ortega/Josephine Bracken, ang dalawa pa sa mga naging karelasyon ni Rizal, Eula Valdez as Doña Lelay, Jaclyn Jose as Conchita Monteverde, Polo Ravales as Venchito Monteverde, Freddie Webb as Don Jose Alberto, Marco Alcaraz as Paciano Rizal, Lito Legaspi as Padre Amado, sa direksiyon ni King Marc Baco.

Ang Ilustrado ang papalit sa My Destiny nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa GMA TeleBabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending