Michelle hindi kayang ipakita ang pisngi ng langit: Boobs lang! | Bandera

Michelle hindi kayang ipakita ang pisngi ng langit: Boobs lang!

Ervin Santiago |October 18,2014
facebook
share this

Michelle hindi kayang ipakita ang pisngi ng langit: Boobs lang!

Ervin Santiago - October 18, 2014 - 03:00 AM

michele madrigal
Walang sama ng loob si Michelle Madrigal sa GMA 7 kahit na hindi na ini-renew ang kontrata niya sa network. Matagal nang natapos ang kontrata niya sa Siyete kaya wala na siyang regular show sa Kapuso station.

Nakachika namin ang morenang aktres sa presscon ng launching movie niya, ang suspense-thriller na “Bacao”, isa sa apat na official entry sa Sineng Pambansa Horror Film Festival (ng Film Development Council of the Philippines) na magsisimula na sa Oct. 29 sa lahat ng sinehan sa SM malls nationwide.

Tinanong namin si Michelle kung bakit hindi na siya nag-renew ng contract, aniya, “Hindi ko talaga alam, e. Si Tita Annabelle (Rama, manager niya) yata…sila ang nag-usap.

Pero sabi ko nga, no regrets dahil perfect timing naman na hindi ako nag-renew sa GMA kasi nakapag-focus ako sa studies ko, I’m taking up Culinary Arts sa Café Ysabel, doon din nag-aral si Judy Ann (Santos).

“One-year diploma course talaga siya. I always, always wanted to study. Kasi kapag may kontrata ka, para kang doktor na 24/7. Kapag tinawag ka, kailangan nandoon ka (sa taping), walang excuse,” paliwanag ng dalaga.

Wala rin daw boyfriend ngayon si Michelle kaya talagang ibinubuhos niya ang kanyang oras sa pag-aaral at sa mga raket niya sa showbiz. Freelancer na siya ngayon, kaya huwag na kayong magtataka kung one day ay nasa ABS-CBN na uli siya kung saan siya talaga nagsimula.

Samantala, speaking of the movie “Bacao”, ito nga ang magsisilbing launching film ni Michelle at maswerte siya dahil siya ang napili ng award-winning director na si Edgardo “Boy” Vinarao para gumanap sa lead role, ang karakter ni Mayet, isang babaeng pinagnanasaan ng halos lahat ng lalaki sa kanilang baryo.

Ito na ang pinaka-bold na proyektong ginawa ni Michelle, inamin niyang habang ginagawa nila ng kanyang leading man sa movie na si Arnold Reyes ang kanilang love scenes ay abot-langit ang kanyang nerbiyos.

Maraming beses nag-hello ang boobs niya sa pelikula pero pasensiya na raw sa mga lalaking naglalaway sa kanya dahil hanggang dibdib lang ang kaya niyang ipakita, “Hanggang side boob lang po ako…kay direk lang ako pumayag nang ganoon.

Binasa ko muna ang kuwento, hindi naman niya ako pinilit. Nagdalawang-isip ako, pero nag-usap kami ni Direk, sinabi ko sa kanya ang mga kaya kong gawin. Hindi talaga ako puwede na frontal.”

Ang “Bacao” ay mula sa Oro de Siete Productions sa pamumuno ng chairman of the board na si Engr. Felizardo Sevilla at ng kanilang presidente na si Rolando Peñaflor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napanood namin ang trailer ng “Bacao” at dito pa lang, sandamakmak na love scene na nina Michelle at Arnold ang ipinakita. Pero sabi nga ni direk Boy Vinarao, hindi lang basta sex ang tema ng pelikula nila, may mas malalim pa raw na ipakikita ang “Bacao” sa mga manonood.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending