Vhong malinis na ang pangalan, 3 rape case 'sunog' lahat | Bandera

Vhong malinis na ang pangalan, 3 rape case ‘sunog’ lahat

Cristy Fermin |October 18,2014
facebook
share this

Vhong malinis na ang pangalan, 3 rape case ‘sunog’ lahat

Cristy Fermin - October 18, 2014 - 03:00 AM

vhong navaro
Unti-unti nang nababawasan ang bigat na dinadala ni Vhong Navarro. Ilang linggo pa lang ang nakararaan ay ibinasura ng piskalya ang kasong rape na isinampa laban sa kanya ng isang nagngangalang Roxanne Cabanero.

Napatunayan ng humahawak ng kaso na malayo sa katotohanan ang mga sinasabi nito sa kanyang sinumpaang-salaysay, hindi nagtutugma ang mga salaysay ng babaeng nambato pa ng shades sa actor-dancer, kaya sa basurahan lumanding ang kanyang reklamo.

Nu’ng isang araw lang ay isa uling asuntong rape ang nakipaghalikan sa basurahan, ‘yun naman ang kasong panghahalay na isinampa laban kay Vhong Navarro ng isang stuntwoman, si Margarita Fajardo.

Naganap daw ang panghahalay sa kanya ni Vhong limang taon na ang nakararaan, sapilitan daw itong hinaltak ng actor-dancer, saka idinukdok ang ulo ng stuntwoman sa kanyang harapan at pinagmistulang sanggol na gutom na gutom sa dodo ang babae.

Hindi pumasa sa panlasa ng piskal na humawak ng kaso ang kuwento ng babae na kayang-kayang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil malaki ang bulto nito.

Marami ring tao sa palibot nu’ng mga panahong ‘yun, kayang-kaya nitong manglaban kundi man magsisigaw, para makuha ang atensiyon ng mga taga-produksiyon.

Isang araw ay malulubos na ang kasiyahan ni Vhong Navarro dahil unti-unti nang lumalabas ang katotohanan na gawa-gawa lang ang mga kaso ng rape na ipinaaako sa kanya.

Ang kasong pagtutuunan na lang ng atensiyon at panahon ngayon ni Vhong Navarro ay ang kinapapaloobang asunto nina Cedric Lee at Deniece Cornejo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending