Sir Chief pumayag landiin ni Vice Ganda…pero sa isang kundisyon
Nag-umpisa na rin mag-shooting si Richard Yap sa kauna-unahan niyang pelikula sa Metro Manila Film Festival, ang “Praybeyt Benjamin 2” directed by Wenn Deramas na pinagbibidahan ni Vice Ganda.
Gusto sanang magbakasyon ni Richard pero ang dami niyang kailangang gawin at i-explore especially sa kanyang acting field. Baka raw mga Dec. 27 na siya magbakasyon out-of-the country with his wife and children.
Commanding officer ni Vice ang role ni Richard sa “Praybeyt Benjamin 2.” At kamakailan ay nagpa-audition nga sina Direk Wenn for a particular role na mala-Derek Ramsay ang dating.
“Ah, meron kasing isang character na who is also parang ka-level ni Vice sa hierarchy nu’ng ano sa military. So, ‘yun siguro ang hinahanap nila,” kwento ni Richard.
May balita rin na ipapasok na rin sa movie si Alex Gonzaga, “Her role? Abangan ninyo na lang,” sabay tawa ni Richard.
Puspusan din ang taping ni Richard para sa nalalapit na ending ng Be Careful With My Heart, “As of now, nasa schedule ko hanggang November 27 taping day pa rin, e. Ha-hahaha! Sa 28 ang last (day) showing, e. So I don’t know if we’re going to reach until 27. Basta I’m allotted three days-three days. Three days to shoot, three days sa taping,” pahayag niya.
Okey lang kay Richard kung “harutin” siya ni Vice sa set ng “Praybeyt 2.” At hindi rin daw siya homophobic dahil marami rin siyang gay friends, “Ano lang sa akin, basta may respeto lang. At saka hindi ako type ni Vice kasi hindi naman ako basketball player. Ha-hahaha!”
Until now ay wala pa rin daw silang idea sa magiging ending ng Be Careful, “Weekly lang dumarating sa amin ‘yung script.
“Ngayon, balik kami kung ano ‘yung na-shoot ipapalabas agad. Balik na naman kami sa ano, kasi malalaking eksena, nawawala na naman ulit ‘yung pondo,” lahad pa ni Richard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.