Charice, Oprah nag-reunion sa Amerika
Natuwa ang mga fans ng international Pinay singer na si Charice nang magkita muli sila ng kanyang ninang at isa sa kanyang mentors na si Oprah Winfrey.
Naganap ang reunion ni Charice at ng tinaguriang America’s Queen of Talk sa bago nitong programang Oprah: Where Are They Now?. Isa si Charice sa mga special guests ni Oprah sa nasaing episode kasama ang iba pang Hollywood stars, ang Baywatch star na si Carmen Electra, singer Macy Gray at ang radio jock na si Shadoe Stevens.
Ipalalabas ito sa darating na Linggo sa Amerika. Ilan sa mga eksena sa nasabing programa ay ipinost ni Charice sa kanyang Instagram account na talagang ikinatuwa ng kanyang followers.
Isa si Oprah sa mga ninang nang binyagan si Charice noon 2010, katuwang sina David Foster, Kris Aquino, Boy Abunda at Charo Santos-Concio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.