Sulat mula kay Gerald ng Washington St., Oroquieta City
Dear Sir Greenfield,
Dati po akong nagse-seaman kaya lang nang makaipon ako ng konting pera ay naisipan kong mag-negosyo. Maraming negosyo ang sinubok ko pero nalugi ako at naubos pa ang puhunan at nabaon pa kami sa mga utang. Sabi nga misis ko ay mag-seaman na lang akong muli para makaahon kami sa mga utang. Kaya sa ngayon ay nag-aaplay uli ako sa dati kong agency. Itatanong ko lang kung makapag-aabroad kaya uli ako, at kung muli akong makapagbabarko kailan naman ito mangyayari? March 28, 1981 ang birthday ko.
Umaasa,
Gerald ng Oroquieta City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow a.) sa iyong palad. Ibig sabihin, tama ang misis mo— higit kang susuwertehin sa paga-abroad kaysa sa pagnenegosyo. Kaya mas makabubuti ngang mag-aplay ka na sa abroad sa ngayon.
Cartomancy:
Eight of Hearts, Ace of Diamonds at Five of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2015 sa buwan ng Asgosto sa edad mong 34 pataas may ikalawang mas mabunga at mas mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.