Mga Pinoy sa US naloka kay Enchong, bigay-todo sa pagkendeng, pagkembot | Bandera

Mga Pinoy sa US naloka kay Enchong, bigay-todo sa pagkendeng, pagkembot

Cristy Fermin - October 14, 2014 - 03:00 AM

enchong dee
Aliw na aliw ang mga kaibigan naming nanood ng ASAP sa Los Angeles Memorial Coliseum kay Enchong Dee. May isang production number silang ginawa nina Rayver Cruz, Gerald Anderson at iba pang male stars ng Dos.

Kuwento ng kaibigan namin, “Grabe palang makakembot si Enchong! Kadyot kung kadyot siya, talagang kina-career niya ang pagkendeng! ‘Yung ibang mga kasamahan niyang sumasayaw, e, okey lang naman, pero si Enchong, sus!” pigil na komento ng aming kausap.

Hindi maitatago sa mga kababayan nating matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa ibang bansa ang makasaysayang kuwento tungkol sa kuwestiyonableng kasarian ni Enchong Dee.

May mga nagsasabing totoong-totoo ‘yun at meron namang mga dumedepensa na gawa-gawa lang ‘yun ng mga naiinggit sa hunk actor.

Komento uli ng aming kausap, “Kapag ganu’n na matagal nang kinu-question ang gender mo, all the more na kailangang mag-ingat ka.

Hindi ‘yung poporma ka na parang may gusto kang patunayan sa sobrang pagkadyot, di ba? “Si Enchong din ang gumagawa ng dahilan kung bakit siya ginaganyan!” konklusyon ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending