Erich pinili ni Charo Santos para maging kabit | Bandera

Erich pinili ni Charo Santos para maging kabit

Ervin Santiago - October 11, 2014 - 03:00 AM

erich gonzales
Dinenay ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales na ayaw talaga niyang makasama sa bagong Primetime Bida series na Two Wives na magsisimula na sa darating na Lunes.

“Hindi po tinanggihan. Kasi nu’ng time na in-offer sa akin ito, nung pinresent sa akin ‘yung story, eh aalis po ako patungong Europe eh, matagal ng na plano ‘yon, two years ago pa.

So sabi ko parang malabo kasi magi-start na daw po. Eh sabi ko, ‘Two years nang naplano ‘yung Europe.’ It’s not that tatanggi ako sa work, ‘yun lang parang ang bilis ng pangyayari.

Sabi ko kung para sa akin ito (para sa akin),” paliwanag ni Erich sa nakaraang presscon ng Two Wives kasasma sina Jason Abalos at Kaye Abad.

Aniya, si ABS-CBN president and chief executive officer Charo Santos-Concio ang may gustong siya ang gumanap sa role ng isang dalagang ina na nagbayad ng lalaki para tumayong ama ng kanyang anak.

“Siyempre ako, gusto ko lang naman na magtrabaho, so sino ba ako para tumanggi. So tamang-tama, they told me na, ‘Sige pagkauwi mo from your break sisimulan na natin, hihintayin ka namin,'” chika pa ng dalaga.

Gagampanan niya ang karakter ni Janine sa Two Wives na magiging kabit ni Jason pero darating ang araw na siya na ang magiging legal wife habang ang tunay na asawang si Kaye ang magiging kabit.

“It’s very challenging kasi siyempre iba din ‘yung ‘pag gagawa ka ng character na walang kahit katiting na pagkakapareha sa totoong ikaw. Dito sobrang nagustuhan ko yung twist,” ani Erich.

Magsisimula na sa Oct. 13 ang Two Wives pagkatapos ng Ikaw Lamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending