Kinawawa, tinawag daw na pangit si Nate
Nakararanas na rin ng panlalait ang mga superstars sa Twitter.
Early this week, sumagot-sagot si Sharon Cuneta sa hecklers niya sa Twitter when the Megastar and her daughter were the subject of bashing na idinawit pa ang si Gabby Concepcion.
This time though, it’s the Songbird herself Regine Velasquez ang napasagot sa Twitter nang may nanlait sa anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate.
Hindi talaga napigilan ni Regine mag-comment.
Say niya, “Tiningnan ko yung instagram ko kanina, may nag comment ng pangit sa picture ni Nate sana para sa ken yun.
Ok lang sa ken laitin nyo ko sabihin nyo pangit, mataba, baboy, baka at kung ano ano pa, ok lang yan pero wag naman si Nate.
“Kung pangit ang paningin nyo sa kanya ok lang din yun pero sana wag nyo na ilathala pa.
Bilang nanay syempre proud ako picture-picturan yung anak ko feeling ko ang gwapo syempre anak ko eh.
“Alam nyo marami na naman ang namimintas sa kin hindi ako pumapatol kaya lang nong si Nate na parang ang hirap naman palampasin.
Pasensya na kayo naglabas lang ng sama ng loob gayun pa man God Bless pa ren sayo sana maging masaya ka sa buhay mo.”
The next day, nahimasmasan na si Songbird at nagpasalamat sa mga nagtanggol sa kanila ng kanyang anak and promises hindi na mauulit muli.
This is the danger of being interactive talaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.