SABI ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” Tama nga naman, dahil sa ang bata ay tatanda rin at siyang mamamahala sa kapakanan ng bayan.
Samakatuwid, nararapat na ang paglaki ng katawan, paghubog ng kaisipan at pag-alaga ng kalusugang espirituwal ng kabataan ay nararapat bigyang-pansin at pagpapahalaga.
Ngayong buwan ng Oktubre ay ipinagdiriwang ng Kagawaran ng Kalusugan ang “National Children’s Month.”
Kinakailangan na manatiling malusog ang mga bata, maganda ang nutrisyon, may gabay ng mga magulang, ma-
bigyan ng kaukulang aruga, at magkaroon ng tamang edukasyon.
Sinu-sino ang may responsibilidad sa pagpapalaki ng mga bata upang sila’y maging mabubuting mamamayan, may talino
upang maging “productive citizens,” may pananampalataya sa Diyos, may tamang “values,” mapagkawanggawa, hindi makasarili at mapagmahal sa kapwa?
Sino pa kundi ang mga magulang at lahat ng nakatatanda. Ang mga aral at patnubay ng simbahan, eskuwela at gobyerno ay siyang mga haligi ng maayos na pagtanda ng kabataan.
Ang panahon nga-yon ay punong-puno ng mga temptasyon, “distractions,” “oppression,” “injustice,” at iba pang negatibong impluwensya na maaring magdala ng kapahamakan sa ating mga kabataan.
Kailangan na mapangalagaan ang murang kaisipan sa atake ng mga negatibong kalokohan ng mundo.
Mga magulang, nasaan na kayo sa responsabilidad na ito? Kailangan na gumugol ng sapat na panahon sa parteng ito ng pag-aalaga sa mga bata.
Ang kalusugan na pisikal ng bata ay mada-ling maapektuhan ng kanyang kapaligiran lalo na kung ang nutrisyon ay nanganganib na humina at sabay na bumaba ang resistensya.
Sa Pilipinas, walo sa 10 nangungunang sakit sa mga bata ay dahil sa “infection.” Ang madalas na apektado na organ ay ang lungs o baga (pneumonia, upper and lower respiratory tract tnfection, tuberculosis), at ang gastrointestinal tract o bituka (gastroenteritis, parasitism, at iba pa) at utak (meningitis).
Mahalaga ang kali-nisan ng kapaligiran, (home environment, school at playground) para maiwasan ang karamihan ng mga sakit lalo na ang mga sakit na ang mikrobyo ay dala ng mga “vectors” kagaya ng lamok, langaw, snails at iba pa.
Ang tubig na iniinom ay dapat manati-ling malinis, isang sitwasyon na maari namang magawan ng paraan. Ang mga bakuna o vaccines ay dapat naibibigay sa tamang panahon. Ang balanseng nutrisyon ay dapat ma-nguna pareho sa macronutrients at micronutrients.
Mas madaling iwasan ang sakit kaysa gamutin kaya para sa mga magulang, alalahanin na maselan ang kalusugan ng mag bata. Kapag maayos ang inyong pag-aalaga sa mga sarili ninyo, naniniwala ako na maaalagaan din ng mabuti ang mga bata.
Si Doctor Heal ay mapapakinggan sa Radyo Inquirer 990am tuwing Lunes hanggang Byernes ika-8 ng gabi. Pinag-uusapan ang kalusugan ng lahat, ta-yong mga kasali sa Barangay Kalusugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.