Dingdong sa away nina Lovi at Erik Matti: Ayaw ko na ring makialam, pero alam ko ang totoo!
Kahit anong pilit ng entertainment press kay GMA Primetime King Dingdong Dantes na magsalita tungkol sa pag-alis ni Lovi Poe sa MMFF 2014 entry nilang “Kubot: The Aswang Chronicles” at sa sentimyento ng kanilang direktor na si Erik Matti ay talagang sarado pa rin ang bibig nito.
Nakaharap ng members ng media si Dingdong sa send-off party na ibinigay ng kanyang manager na si Perry Lansigan with GMA 7, bago siya ikasal kay Marian Rivera sa Dec. 30, 2014, at dito nga siya natanong kung ano ba talaga ang nangyari kina Lovi at direk Erik.
Alam naman nating lahat na bukod sa pagiging bida sa pelikula ay isa rin sa mga producers ng “Kubot” si Dingdong kaya direkta rin siyang apektado sa pagtalikod ni Lovi sa proyekto.
“Well, sa sobrang dami na po ng mga nagsasalita about it, and marami na pong involved, I’d rather not comment anything about that,” pahayag ni Dong kasabay ng pagsasabing alam naman daw niya kung ano ang ugat ng gulong ito.
“Oo naman, pero siyempre, I chose to be silent about it. Marami na pong nasabi at naging produkto ng kaganapan na yun, so ayoko na pong makisali pa du’n,” sabi pa ng aktor.
Nang tinanong namin siya kung kumusta naman ang relasyon nila ni Lovi, “Okay naman kami, tinapos namin nang maayos ang Dalawang Mrs. Real so, I think, we’re okay.”
In fairness, kitang-kita namin kay Dingdong ang kaligayahan ngayong malapit na silang ikasal ni Marian, medyo mukhang pagod si Dong, pero umaapaw pa rin ang kanyang kakisigan, kaguwapuhan at karisma.
Sa idinaos ngang stag party cum send-off party ng aktor kasama ang ilang entertainment writers nu’ng Lunes ng gabi, todo-todo ang pagpapasalamat niya sa media sa walang sawang pagsuporta sa kanya, pati na rin kay Marian.
“Naalala ko po way back in 2007, yun yung isang pagkakataon kung saan I made it a point, through my manager, na i-treat ko ang mga kaibigan ko sa press. Do you remember my first ever Christmas party way back 2007?
“Hindi ko po malilimutan yun at mula nu’n, naniniwala ako na it established a better relationship between me and my friends from the press. “Mula noon hanggang ngayon ay kasama ko pa rin… nagpapasalamat ako na because of that party, we are still together now,” aniya.
“Pagkatapos nu’n, maraming taon ang nakalipas, na-witness niyo lahat ng highlights na nangyari sa buhay ko. Lahat ng importanteng moments, kaya alam ko siguro na naramdaman ko na mas naging malapit tayo sa isa’t isa dahil itong bagay na ito ang hindi ko makakalimutan.
Lalung-lalo na isa sa mga ‘yan ay nandiyan kayo nung nakilala ko ang aking bride-to-be. “Itong party ay siguro ang huling pagsasama natin bilang…yes, it’s the last time for me to celebrate with you as a single man.
But the next time we celebrate, I already have a wife,” sey ng Primetime King.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.