Huling linggo na ng serye nina Bea at Paulo | Bandera

Huling linggo na ng serye nina Bea at Paulo

Ervin Santiago - October 07, 2014 - 03:00 AM

paulo avelino
MATITINDING eksena at maaaksyong face-off ang mapapanood sa finale week ng top-rating primetime drama series ng ABS-CBN, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, na magwawakas na sa Biyernes.

Ngayong unti-unti nang natutuklasan ng lahat na siya ay buhay pa, si Rose (Bea Alonzo) ay nalalapit na rin sa pagtuklas sa tunay na may sala sa pagkamatay ng kanyang amang si Henry (Chinggoy Alonzo) at ng abogadong si Emmanuelle (ginagampanan din ni Bea).

Magtatagumpay ba si Rose sa kanyang misyon ngayong alam na nina Carlos (Tonton Gutierrez) at Sasha (Maricar Reyes) ang kanyang tunay na pagkatao? Paano nila mapoprotektahan ni Patrick (Paulo Avelino) ang kanilang mga pamilya kapag natuklasan nila na ang matagal na nilang hinahanap na mastermind na si Muerte at si Carlos ay iisa? Ano ang mananaig sa huli—hustisya o kasamaan?

Ang Sana BukasPa Ang Kahapon ay sa ilalim pa rin ng produksyon ng Dreamscape Entertainment. Ito’y sa direksyon nina Trina Dayrit at Jerome Pobocan.

Huwag palampasin ang huling apat na gabi ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa Primetime Bida. Kasama pa rin dito sina Eddie Garcia, Susan Roces, Dina Bonnevie at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending