Trip-Trip lang: Andi, Jake parehong baliw sa pag-ibig | Bandera

Trip-Trip lang: Andi, Jake parehong baliw sa pag-ibig

Ambet Nabus - October 07, 2014 - 03:00 AM

jake ejercito
SA isang umpukan ng mga kapatid sa hanapbuhay ay napag-usapan ang tila kakaibang trip nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito, madalas daw gamitin ng mga ito ang social media para ibandera sa buong mundo ang kanilang nakakalokang love-hate relationship.

Pati raw kasi ang mabait at wala namang bahid ng kabaliwan sa buhay na si Bret Jackson ay nagiging biktima na ng mga ito, kaya’t pinagsabihan na ito ng kanyang mga kaibigan na umiwas na sa kontrobersyal na aktres.

Halata naman daw na ginagamit lang ni Andi si Bret para makipagtikisan kay Jake. “Mukha pa namang seryoso yung bagets sa panliligaw kay Andi.

Eto namang babae, parang gustung-gusto na pag-awayin ang mga lalaki niya,” ang komento ng isa sa ating colleague. Kaloka di ba, kapatid na Ervin, ganu’n na pala ang imahe nitong si Andi sa mga mata ng ilan nating katrabaho pagdating sa lalaki?

Komento naman nila kay Jake, nag-aral-aral pa raw ito sa abroad pero sa ganitong mga ka-cheapang iskandal naman nasasangkot? Teka lang, noong huli naming masundan ang mga tweet nila, consistent naman sina Andi at Jake sa pagpaparamdam na mahal pa rin nila ang isa’t isa despite their break-up, kaya agree kami sa mga nagsasabing pareho lang baliw sa pag-ibig ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending