May mga nagtatanong sa amin kung kailan daw mapapanood sa Maalaala Mo Kaya si Toni Gonzaga?
Gusto naman daw nilang mapanood ang TV host-actress sa isang seryosong proyekto.
Oo nga, napaisip din kami, nag-MMK na nga ba si Toni?
Parang hindi pa nga yata o dahil wala pang maibigay na role na babagay sa kanya?
Kasi naman parang awkward panoorin ang dalaga na nagdadrama na parang hindi mo seseryosohin kasi nga maiisip mo na hindi rin siya seryoso.
Pero seryoso kami, sana’y ma bigyan siya ng challenging role sa MMK.
Anyway, sa mga nagtatanong, e, panoorin na lang muna ninyo si Toni sa four-week presentation ng Wansapanataym, ngayong Sabado, gaganap siya bilang si Hannah Panahon na isang weather girl.
Comedy ang istorya ng “Hannah Panahon” dahil magre-report siya ng tungkol sa panahon na tila hindi kapani-paniwala dahil kaya niyang talunin ang PAG-ASA dahil sa kanyang kakaibang powers.
Sa pag-angat ng kanyang karera, tatalikuran niya ang kanyang pinagmulan at ipagyayabang ang natamong tagumpay, at dito na magsisimula ang kanyang mga problema.
Makakasama ni Toni sa episode na ito sina Bryan Termulo, Eda Nolan, Tess Antonio, Cecile Paz, Dexter Doria at Janine Berdin. Ito ay sa direksiyon ni Don Cuaresma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.