FEU Tamaraws isang panalo na lang | Bandera

FEU Tamaraws isang panalo na lang

Mike Lee - October 05, 2014 - 12:00 PM

Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
2 p.m. Awards Ceremony
3:30 p.m.  FEU vs NU (Game 2, men’s finals)

LUMAPIT ang Far Eastern University sa isang panalo tungo sa pag-angkin sa kanilang ika-20 kampeonato sa UAAP sa 75-70 panalo sa National University sa pagsisimula ng Season 77 men’s basketball Finals kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Mike Tolomia ay may 15 puntos habang si Roger Pogoy ay tumapos taglay ang 14 puntos at 10 rito ay kanyang ginawa sa ikatlong yugto na dinomina ng Tamaraws, 25-12, para hawakan ng FEU ang 60-50 kalamangan.

Bumangon man ang Bulldogs ay kinaya ng Tamaraws na masawata ang ginawang rally tungo sa 1-0 bentahe sa best-of-three series.

Ang Game Two ay gagawin sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Naunang nagpasiklab ang NU Lady Bulldogs nang angkinin ang women’s title sa 16-0 sweep sa 59-48 panalo sa FEU Lady Tamaraws.

“Game One is very important in a short series. We just went back to our strengths in the third period,” wika ni FEU coach Nash Racela na nasa Finals sa ikalawang taon na pagdiskarte sa koponan.

Ang dalawang koponan ay humawak ng 12 puntos kalamangan sa laro pero nagawa ito ng Bulldogs sa first half.

Nagsikap ang bataan ni NU coach Eric Altamirano na bumangon sa fourth period at ang triple ni Rodolfo Alejandro ang nagdikit sa 68-71.

Pero pinalamig agad ni Mac Belo ang momentum ng katunggali nang iskoran sa drive si Alfred Aroga.

Tumapos si Belo tangan ang walong puntos sa 3-of-13 shooting.

Pinuri pa rin ni Racela si Belo dahil hindi ito nag-alinlangan na gawin ang krusyal na play kahit masama ang shooting.

Tinuran naman ni Altamirano ang masamang shooting sa 15-foot line ng mga alipores kaya’t natalo sila.

May 31 free throws ang ibinigay sa NU pero 15 lamang ang kanilang naipasok. Sa huling yugto ay may 3-of-7 shooting ang Bulldogs na kinatampukan ang magkasunod na splits nina Aroga at Gelo Alolino sa puntong angat lang ng lima ang Tamaraws.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Our free throws did us in and that can be attributed to mental fatigue,” pahayag ni Altamirano na dalawang beses na tinalo ang Ateneo para pumasok sa Finals na huling nangyari noon pang 1970.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending