One on One with: Toni Gonzaga, ang bagong Concert Queen
KATATAPOS lang ng big concert ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga. Bago ito maganap noong Biyernes, bulung-bulungan nang baka roon na maganap ang marriage proposal ni direk Paul Soriano.
Usung-uso kasi at kanya-kanyang gimik ang proposals sa showbiz ngayon. Hindi naman lingid sa marami na seven years na ang relasyon nina Toni at direk Paul.
Kaya kung sa pag-iisip din lang ng concept, panalung-panalo diyan ang boyfriend ni Toni since isang mahusay na direktor si Paul. Nu’ng huli naming nakausap si Direk Paul ay nabanggit na rin namin ang tungkol sa wedding proposals sa showbiz.
And since sila ang isa sa pinakasikat at inaabangang couples sa showbiz kaya excited na ang marami kung paano siya magpo-propose kay Toni.
Anyway, bago may maganap na marriage proposal, tunghayan natin ang mga pahayag ni Toni sa aming one-on-one sa kanya para sa BANDERA. Nakausap namin siya sa taping ng kanyang sitcom with John Lloyd Cruz sa ABS-CBBN, ang Home Sweetie Home.
BANDERA: Posible kaya na mag-propose si Direk Paul Soriano sa concert niya?
TONI GONZAGA: Tingin ko…baka hindi. Hindi ko alam. Pero actually, depende kay Paul ‘yun, e.
B: Ano’ng gagawin niya kapag nag-propose sa concert niya si Direk Paul?
TG: E, wala tayong magagawa. Pero kung ako ang tatanungin mo, ayoko. Ayoko ko doon. Huwag sana doon.
B: Mas gusto niya na gawing private ang proposal sa kanya ni Direk Paul?
TG: Oo, para makaiyak ako. Ma-feel ko. Baka kasi kapag maraming tao ma-conscious ako, hindi ako makaiyak. Pero ewan ko, hindi ko rin alam. Depende ‘yun sa lalaki kung paano siya mag-propose. Basta kung dumating man ‘yun, e, ready na ako.
B: Hindi ba’t kare-renew lang niya ng kontrata sa ABS-CBN?
TG: E, wala na, patatagalin ko pa ba?
B: Gusto mo na talagang mag-asawa?
TG: Hindi naman, pero siyempre kung darating ‘yun sa buhay ng isang babae, e, darating ‘yun.
B: Marami ang nakapansin na lately ay ‘di sila masyadong nakikitang magkasama ni Direk Paul?
TG: Sobrang busy, sa ‘Kid Kulafu’ (film) bio-pic. Tapos pupuntang Amerika doon mag-e-edit. Tapos ako naman dito sa concert ko. Kaya medyo, busy lang ngayon.
B: Hindi sila nagkikita?
TG: Sobrang hindi.
B: Nami-miss na niya si Direk Paul?
TG: Yes, hindi ko nga siya nakikita.
B: Hindi kaya nag-break na sila?
TG: Hindi, wala kaming mga ganu’n-ganoon. Hindi kami madrama. E, parang kampante na naman kami.
B: Baka may LQ lang sila?
TG: May away pero hindi ‘yung nagbi-break, ganoon.
B: Ano ba ‘yung pinaka-matinding away nila?
TG: Wala, oras lang. Pero ‘yung sa amin, wala kaming malalang away. Kailangan na naming mag-elevate kasi para sa next level na away. Ha-hahahaha! Joke lang.
B: Nakailang season na ang Home Sweetie Home nila ni Lloydie?
TG: Naka-one year na kami. Okey naman, tuluy-tuloy. Ano na kami, naggro-grow like si Kuya Ipe (Phillip Salvador) kasama na namin bilang tatay ko. May madadagdag sa cast. Palalakihin na ‘yung family.
B: Magkakaroon ka ba ng anak sa sitcom?
TG: Hindi pa. Kapag nagkaanak na ako sa totoong buhay. Oo, para sabay na.
B: Sagot ba ‘yan sa hiling ng kanyang ina na si Mommy Pinty na gusto nang magkaapo sa kanya?
TG: Minsan parang etchosera rin si Mamey, e. Ha-haha! Hindi, kasi lagi silang nanghihiram ng baby. Pero darating naman ‘yun.
B: Kamakailan ay pinasilip na ni Toni ang bagong renovate na bahay nila sa Kris TV. Bakit pina-renovate ang bahay nila sa Cainta?
TG: E, kasi ang dami na naming gamit ni Alex (Gonzaga, her only sister) kaya bigyan na kami ng sariling lugar. Hindi naman kami naghiwalay ng room ni Alex. Nilakihan lang ‘yung house.
B: Magkasama sila ni Alex sa isang room?
TG: Connecting lang, may pinto ‘yung room na connected sa kwarto niya.
B: Nabili na nina Toni ang katabi nilang bahay on both sides. Palaki nang palaki ang bahay nila at parami nang parami ang investments ng pamilya Gonzaga. True ba na siya ang highest paid female star among her generation sa ABS-CBN?
TG: Hindi naman.
B: Kailan naman ang sarili niyang bahay?
TG: ‘Yun na nga, e, palaki nang palaki wala ng natira sa sariling bahay. Ha-hahaha! Hindi, siguro kapag nag-asawa na ako saka na namin pag-uusapan ni Paul ang tungkol sa bahay namin.
B: Wala pa bang pinapagawang bahay si Direk Paul para sa kanila?
TG: Wala…saka kung magpapatayo siya gusto ko may alam din ako. Para makita ko rin ‘yung ipatatayo, para may suggestions din ako.
B: Kapag ikinasal na sila saka sila magpapatayo ng bahay?
TG: Oo, sabay na naming gagawin para exciting.
B: Busy pa si Direk Paul?
TG: Oo, pangarap kasi talaga niyang makapag-uwi ng Oscars sa bansa natin. Matagal na niyang dream ‘yan kaya hindi siya titigil hangga’t hindi siya nakakapag-uwi ng Oscars.
B: Obssessed ba siya sa nasabing international recognition?
TG: Hindi naman. Gusto lang niyang ma-experience.
B: Ano ‘to, walang wedding hangga’t hindi siya nakakapasok sa Oscars?
TG: Hindi naman, kahit naman magpakasal kami ‘yun pa rin ang papangarapin ni Paul. Habang nabubuhay daw siya. Target niya gumawa ng mga pelikulang ganoon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.