World breast cancer month | Bandera

World breast cancer month

Dr. Hildegardes Dineros - October 03, 2014 - 03:00 AM

ANG Pilipinas ay ang siyang nangunguna sa Asya pagdating sa dami ng kaso ng breast cancer. Naitala ito ng Philippine Society of Medical Oncology noon pa mang 2012.

Ayon sa datos, tinatantiyang tatlo sa bawat 100 na kababaihan ang magkakaroon nito bago pa sumapit sa edad na 75.
At isa sa tatlo ay mamamatay dahil sa breast cancer.

Kung palalawakin natin ang bilang, ngayon na 100 milyon ang populasyon ng Pilipinas, at mahigit sa 30 porsyento ang kababaihan na nasa “reproductive age”, mahigit kumulang sa 1 milyon ng mga Pilipina ang maaaring magkaroon ng breast cancer. At bago man dumating ang kanilang ika-75 birthday, dahilan din ng pagkamatay ng mahigit sa 200,000 sa kanila.
Maiiwasan ba ito?

Taun-taon tuwing buwan ng Oktubre ay binibigyan pansin ng halos lahat ng bansa sa buong mundo ang sakit na breast cancer o kanser sa suso.

Ang layunin nito ay bigyang halaga ang kalaaman tungkol sa sakit na ito.

Ang “Awareness Campaign” na ito na pinangungunahan ng DOH o Kagawaran ng Kalusugan ay makakapagligtas sa maraming babae sa kapahamakan ng kanser sa suso, sakit man o kamatayan.

Ang tagumpay sa paggamot ng breast cancer ay nakasalalay sa kung gaano kaaga ito malalaman.

Paano nga ba masabi na mayroon kanser? Unang-una, ang mga babae ang apektado nito kahit mayroon ding mga lalaki na nagkakaroon ng Breast Cancer. Bukol ang unang sintomas na dapat tingnan. Kung may nakakapa na bukol, madali itong ma-eksamen. Gawin lang ang breast self examination. Gawin ito isang linggo matapos ang kanilang regla.

Ang kailangan, makita agad ng doktor kapag may bukol na nakapa ang pasyente para kumpirmahin na may bukol nga.

May mga bukol na sa eksaminasyon pa lang ay mukhang benign at hindi cancerous.

Ito ay maaring obserbahan lang kung kaya’t kinakailangan na mag-follow up check-up taon-taon.

Sa unang pagkakataon na may nakapa na bukol, mainam na magpatingin agad.

Maari rin namang malaman ang kanser ng maaga bago pa man makapa ang bukol. Ang mga screening methods ay makikita sa mga ospital ay ang ultrasound at mammography.

Ginagawa ito sa kababaihan na may malakas na “family history” ng breast cancer. Pinapayuhan din ang mga babae na nasa gulang 35 anyos na magkaroon ng “baseline mammography” at magkaroon din nito kada taon kapag 40 anyos na at pataas.

Ang “scintimammography” ay ginagamit para sa mas maselan na pagtingin ng bukol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang pinakabagong at posibleng pinakamaagang paraan ay ang ginagamitan ng electrical impedance technology ang tawag dito ay MEIK. Kumpara sa mammography, walang “radiation” ito at mas komportable sa pasyente dahil sa hindi naiipit ang suso. Umaabot sa 92 porsyente ang sensitivity nito. Mas maige na malaman ng maaga ang bukol kung ito ay kanser o hindi bago pa man ito makapa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending