Robin: Si Mariel ang bumubuhay sa akin! | Bandera

Robin: Si Mariel ang bumubuhay sa akin!

Julie Bonifacio - October 03, 2014 - 03:00 AM

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

INAAYOS na ng kampo ni Robin Padilla ang lahat ng kailangan para payagan ng ABS-CBN si Kathryn Bernardo na mapasama sa pelikulang ginagawa niya ngayon para sa Metro Manila Film Festival this December, ang “Andres Bonifacio”. Until now ay naghihintay sila ng sagot from the Kapamilya network.

Iba naman daw kasi ang kaso ni Daniel Padilla na may “family contract” sa kanila kaya agad-agad ay nakukuha siya ni Robin for his production.

“E, ‘yun ang ipapakiusap namin nga, ‘yung kay Kathryn. Kasi gustung-gusto kong makasama talaga si Kathryn. Makikiusap kami sa MMFF,” bungad ni Robin nu’ng makausap namin sa dressing room ng Talentadong Piinoy.
May specific role na si Kathryn sa “Andres Bonifacio”, “Syempre ibibigay namin sa kanya ‘yung magre-represent sa youth. E, ‘yung pelikula namin para sa kabataan. Kaya hindi kami mahihirapan na, etong pelikulang ‘to pinormalize siya para sa kabataan. Manamnam ng kabataan.
“Kasi ayaw naming mangyari ‘yung gumawa ka ng historical movie na ginawa mo para sa matatanda at intelektuwal. Hindi po,” ani Robin.
Supposed to be, kalahati ng budget ng pelikula ang sagot ni Robin. Pero nu’ng kumalat ang magagandang balita tungkol sa pelikula, ang dami na raw nagkainteres at sumuporta, financially, “E, pumasok na ‘yung mabibigat kaya 10 (percent) na lang. Ha-hahaha!”
Halu-halo raw ang name ng mga producer ng movie, “Paano kaya tatawagin ‘yun. Masamang sabihin na leftist, e. Pero ano rin kasi kami, e, parang sa labor unions, meron kami doon. Meron din kaming mga mason. Kasi mason si Andres Bonifacio, e. Mason si (Emilio) Aguinaldo. Ayaw din nila na may lumabas na unfair. So, kailangan maging fair dahil parehong mason ‘yung dalawa,” paliwanag niya.
Kung maraming pumasok na gustong makipag-co-produce with Robin for the movie, sandamakmak din ang naglalakihang artista ang gaganap sa special roles sa “Andres Bonifacio” tulad nina Eddie Garcia at Jericho Rosales.

Ayaw naman daw pumayag ng manager ni Robin na si Betchay Vidanes na umapir din sa movie ang Superstar na si Nora Aunor.

“Si Ate Guy sa ibang pelikula. May sarili kaming pelikula. E, gusto namin tungkol sa OFW. Gusto namin ganoong klase ng pelikula, ‘yung malapit sa puso ni Ate Guy. Kasi kailangan kapag gumawa ka ng konsepto malapit sa puso niya. Hindi ka pwedeng gumawa lang ng basta-basta. Kasi kailangan mo siyang ma-inspire. E, lahat ng tagahanga ni Ate Guy, kahit saang lupalop ka pumunta, nasa abroad ka, si Nora Aunor ang kanilang hinahanap,” diin ni Robin.

Bukod sa mga national heroes, nais din ni Robin na gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Fernando Poe, Jr. Para sa kanya, bayani ring maituturing si FPJ.

“Balang-araw siguro kapag malamig na ‘yung nangyari sa kanya, pwedeng gawin. Kahit sa mga post ko, e. Lagi ko ‘yun nilalagay. Masyadong fresh pa lang. Mahirap pa gawin kasi marami pang maghahabol. Kasi marami akong teorya tungkol kay FPJ,” pagri-reveal niya.

Gaya ng nasulat namin before tungkol sa pagnanais ni Richard Gomez na makagawa ng pelikula kasama siya at si Aga Muhlach, gusto rin ‘yan ni Robin. Napag-usapan na nga raw nila ‘yan ni Goma noon at para kay Robin malaki ang possibility na matuloy ang dream movie nila.

“Aba, e, malaking posibilidad ‘yun basta gusto niya. Gusto rin ni Muhlach syempre. May title na ako, ‘Ang Alak Mas Masarap Kapag Matanda Na.’ At kung ako ang tatanungin sasabihin ko kay Richard at saka kay Aga, gusto ko ‘Hangover’ style. Kasi kung gagawa pa kami ng action, sakit sa katawan ‘yun,” excited na kwento ni Robin.

Si Richard daw yung playboy na ginampanan ni Bradley Cooper. At gusto ni Robin si Cesar Montano ang kanilang direktor.

“Pero ipapakiusap namin kay Buboy ‘yun na kapag, mahirap din kasi na ‘yung artista, direktor. Kasi mas gusto ko na naka-focus ‘yung director doon sa project para nakakatulog ako ng mahimbing. Kasi mahirap kapag involved, e.”

“Tsaka dapat ‘yun lalaking direktor na artista at lalaki ‘yung humor. Gago rin, babaero rin. Siya lang ‘yun!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At gusto ni Robin sa ibang bansa nila gagawin ang pelikula. Right after sabihin ni Binoe ang ilang detalye sa movie ay naisip niya agad-agad na tatawagan na raw niya si Goma para napag-usapan nila agad ang tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending