Nagmamadaling sumakay ng chopper
HOW true, muntik na raw tumilapon si Korina Sanchez sa ELJ Building noong nakaraang Lunes nang salubungin niya ang papalapag na chopper sa nasabing gusali ng ABS-CBN?
Kuwento ng mga nakakita bandang alas-otso raw ng umaga ay hinihintay ng TV Patrol anchor ang sasakyan niyang chopper sa helipad ng ELJ Building patungong Pampanga para mag-shoot bilang bahagi ng pagdiriwang ng 25th anniversary ng TV Patrol.
“Sinenyasan na kasi si Korina na huwag lalapit muna dahil malakas ‘yung current ng hangin, e, nagmamadali siya, sinalubong niya, hayun, tumilapon siya ng ilang dipa, good thing ganu’n lang ang nangyari, e, kung napalakas, malamang hulog siya o kaya nabagok ang ulo niya.
“Hindi siguro niya napansin ang senyas ng piloto kaya tuluy-tuloy siya.
Halatang natakot din si Korina kasi natahimik siya nu’ng papasakay na.
‘Yung PA (personal assistant) niya ang nangatog at iyak nang iyak sa nangyari kasi pati siya tumilapon din,” kuwento ng aming source.
Bukod sa kukunang footages para sa TV patrol ay may kukunan din daw sa nasabing bayan para naman sa programang Rated K.
Nakakaloka ang nangyaring ito, huh! Kung nagkataon pala si Ms. Korina ang headline sa 25th year anniversary ng TV Patrol. May paliwanag kaya si Ms. Korina tungkol dito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.