Mga Laro Ngayon
(The Arena)
11 a.m. Mapua vs Letran
3 p.m. EAC vs San Sebastian
Team Standings: San Beda (13-4); Arellano (12-4); St. Benilde (10-5); Perpetual Help (10-6); Jose Rizal (10-6); Letran (6-9); Lyceum (6-10); Mapua (4-11); San Sebastian (4-11); EAC (4-13)
PABORITO ang San Sebastian College na makuha ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Tiyak na tatakbuhan ng Golden Stags ang Generals sa kanilang tagisan dahil limang manlalaro lamang ang ipaparada ng nasabing koponan.
Babalik sa EAC mula sa one-game suspension si Faustine Pascual para makasama nina Jozhua General, Jerald Serra no, Christ Mejos at Ai Indin na haharap sa Stags.
Ang laro ay magsisimula sa ganap na alas-5 ng hapon at ito lamang ang seniors game dahil hindi na lalaruin ang tagisan ng Mapua at Letran sa ganap na alas-11 ng umaga dahil hindi makakabuo ng limang players ang Cardinals.
Matatandaan na walong manlalaro ng Mapua ang suspindido rin bunga ng rambulan na nangyari sa tagisan nila ng EAC.
Na-forfeit ang huling laro laban sa Altas, kailangan din ng Generals na tiyakin na walang mapa-foul out sa kanilang hanay para hindi awtomatikong ibigay ang panalo sa Baste.
Samantala, nahirang naman ng NCAA Press Corps si University of Perpetual Help guard Harold Arboleda bilang Accel Quantum-3XVI Player of the Week sa nakalipas na linggo.
Naungusan ni Arboleda sina Keith Agovida ng Arellano University at Jaycee Asuncion ng Jose Rizal University para sa lingguhang parangal na suportado ng Bactigel hand sanitizer, Doctor J Mighty Alcohol at Mighty Mom Dishwashing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.